Advertisers

Advertisers

Binusog sa “intelihensya” at “goodwill” ang umanoy ilang mataas na opisyal ng PNP Region 3

0 29

Advertisers

MATAGAL nang inirereklamo ng simbahan at debotong namamanata ang mga salot na gabi-gabing sugal sa loob ng mga peryahan na naging bisyo na umano ng mga sugarol at kabataan pero wala umanong ginagawang aksyon dito ang mga opisyal ng PNP Region 3.

Ayon sa source imbes na ilayo umano nina BULACAN Provincial Director PCOL RELLY BAGASIN ARNEDO, Pampanga PD PCOL LEVI HOPE BALIAO BASILIO, Bataan PD PCOL PALMER ZULUETA TRIA, Aurora PD PCOL MYLES ANGEL SOLANG PASCUAL, Nueva Ecija PD PCOL RICHARD VENTANILLA CABALLERO, Tarlac PD PCOL MIGUEL MENDOZA GUZMAN, Zambales PD PCOL RICARDO SIMON PANGAN JR., at PRO3 Regional Director PBGEN JOSE HIDALGO sa bisyo ang mamamayan ay tila ang mga PNP officials pa umano ang nagtutulak para magumon o malulon sa bisyong sugal.

Sinabi din ng source na ipinangangalandakan ng mga organisadong sindikato ng sugal na alyas Freddie Tainga, Quiroz, Tomas, Boy Life, Evelyn, Domeng, Cathy, Niknok, Reynan, Lourdes, Nene, Jesica, Buddy, Bhong, Rene, Mely, Karen, Ricky, Putik, Roy, Tess, Pearly, Noemi, Ailene, Magat, Alfredo, Alice, Vivian, Arviola, Rodel, Mani, Elmer at Ibasan na patabaing baboy lamang nila ang mga opisyal ng kapulisan sa nabanggit ng mga probinsya.



Dagdag pa ng source, binubusog umano sa lingguhang “intelihensiya” at “goodwill” ang ilang mataas na opisyal ng PNP sa rehiyon maging ang National Bureau of Investigation (NBI) para hindi umano pumalag sa gabi-gabing operasyon ng color game, beto-bito, baraha at drop ball na ilang taon nang perwisyo sa tahimik na pamumuhay ng residente.

Maraming kabataan at mag-asawa na rin umano ang napariwara ang buhay bunga ng pagsusugal na imbes ipambili na lamang umano ng bigas ang kanilang pera, naitataya pa sa color games, beto-bito, baraha at drop ball na Front ang Peryahan maging sa mga saklaan at jueteng.



Isa rin sa dahilan kaya tumataas ang krimen sa naturang rehiyon ay dahil sa pagiging gambling capital.
Wala umanong habag at kunsinsya ang mga kunsintidor at protektor ng mga sugal sa Areas of Responsibilitiy ni PRO3 RD General Jose Hidalgo.

Kapag nagsumbong diumano sa mga police station ang isang indibidwal para ireklamo ang mga naturang sugalan, mga gambling operator ang umanoy kinakampihan ng mga pulis at hindi ang mga nagrereklamo dahil siguro sa natatanggap na “payola” mula sa Perya operators.



Ipinagmamalaki din umano ng grupo ng mga Peryante na “selyado” na ang timbre sa mga COP, PD at RD. Pati sa mga LGUs ay plantsado na rin umano ang kanilang TIMBRE.

Kaya pala “untouchable” ang gambling operation sa nasabing mga lalawing dahil PASOK pala lahat.

Kaya panawagan ko sa source at sa mga nagpaabot ng sumbong sa BALYADOR, wag na tayong umasa na matigil ang salot na sugal na ginagamit na Front ang Peryahan sa inyong mga lugar kung ang mismong mga opisyal ng PNP at NBI ay nasusuhulan.

Sa NPA na lamang natin iparating ito baka sakali maaksyunan ang mga perwisyong sugalan na yan!

Samantala naniniwala din ang ilang sektor at simbahan na bumabatikos dito na hindi matutuldukan ng kapulisan ang pamamayagpag ng sugal sa mga nasabing probinsya dahil ipinagmamalaki ng mga grupo ng mga peryante na BUSOG sa timbre nila ang mga nakaupong opisyal sa nasabing rehiyon.

Matagal nang talamak sa buong Region 3 ang talamak na sugal sa bawat probinsyang nasasakupan nito.

Sariwa pa nga ang isyu tungkol sa panghihingi ng “goodwill” at “weekly payola” ng mga Regional Director’s, Provincial Director’s, at Chief of Police’s sa Senate Hearing kaugnay sa reklamo ng mga organisadong Peryante.
Ayon pa sa source, sa kabila ng reklamo hingil sa pangingikil ng diumanoy mga matataas na opisyal sa PNP sa mga Peryante ay talamak pa rin ang presesnsiya ng sugal at pangongolekta ng payola ng isang alyas DELFIN PARAK na nagpakilalang sagradong bata ng mataas na opisyal ng PNP sa pitong probinsya.
Kitang kita umano ito sa kasalukuyang estado ng mga probinsiya ng Region 3 na kinabibilangan ng probinsiya ng Bulacan, Pampanga, Aurora, Zambales, Tarlac, Nueva Ecija at Bataan.
Sabi nga ni Senator Raffy Tulfo sa Senate Hearing, alisin na lamang ang color games para iwas kotong!
Gusto kulang ipaalala sa mga COP, PD at RD na kaakibat ng pamumuno ninyo sa organisasyon ay ang responsibalidad at ang mabigat na pananagutan ng mga nabigyan ng kapangyarihan sa bisa ng mandato ng “police service” ay may pananagutan batay sa doktrina ng “command responsibility”.
Kaya kung sakaling may pagpapabaya nga sa kanilang tungkulin ang mga nabanggit na PNP officials dahil sa di pag-aksyon ng mga ito laban sa mga peryang may sandamakmak na sugal, maging ang sakla at jueteng ay pagpapabaya sa tungkulin ang tawag dito.

May kasunod pa…Abangan!

***

Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0939-7177977 at 0936-8625001 o di kaya mag-email banderapilipino@yahoo.com/balyador69@gmail.com.