Advertisers

Advertisers

Mayor Honey, pinangunahan ang 77th anniversary ng Manila Boys’ Town Complex

0 13

Advertisers

BINATI at binigyang komendasyon ni Manila Mayor Honey Lacuna ang mga kalalakihan at kababaihan sa likod ng Department of Social Welfare Manila matapos nitong pangunahan ang 77th anniversary celebration ng Manila Boys’ Town Complex na nasa ilalim ng hurisdiksyon nito.

Sinabi ni Lacuna na ang DSW, sa ilalim ng mahusay na liderato ng hepe nito na si Re Fugoso, ay mahusay na nangangalaga sa mga batang inaaruga sa loob ng nasabing complex ng may dedikasyon, kabutihan at malasakit.

Ayon pa sa alkalde, ang mga nagpapatakbo ng DSW ang siyang pundasyon ng kung ano nga ba talaga ang ang public service, dahil sila ang nag-aalaga sa higit na mga nangangailangang miyembro ng populasyon at gayundin sa mga biktima ng kalamidad.



Siniguro ni Lacuna sa mga Manileño na ang selebrasyon ng Manila Boys Town’s 77th anniversary na may temang , “Walang Hanggang Pasasalamat: Pitumpu’t Pitong Taon ng Di Mapapantayang Kalinga at Pagmamahal,” ang institusyon ay patuloy na magsisilbing liwanag ng pag-asa para sa mga less privileged, inabandona, elderly at homeless sa lungsod ng Maynila.

Sa loob ng 77 mahabang taon, ang Manila Boys Town ay naging lugar ng pagmamahal, gabay at pag-asa dahil sa walang sawang dedikasyon ng grupo ng DSW, dagdag pa ni Lacuna.



Binigyang diin ng alkalde na walang pwedeng pumalit sa ngiti na inilalagay ng mga tauhan ng pamahalaang lungsod sa mukha ng mga taong kanilang inaaruga sa loob ng nasabing complex.

“It is for this kind of dedication and service that I, in behalf of all Manilans, thank you all,” pahayag ni Lacuna, matapos ang kanyang pagbati sa okasyon ng 77th anniversary ng Manila Boys’ Town.



Nabatid kay Fugoso na hanggang March 5, 2024, may kabuuang 666 wards na inaalagaan sa iba’t-ibang units ng Manila Boys’ Town Complex.

Sa Kids’ Home, ay may 22 wards; Girls’ Home, 82 at Boys’ Home, 99. At sa Luwalhati Ng Maynila, may 186 na lalaki at 199 babaeng senior citizens habang sa RAC-KAMADA, ay may 44 lalaki at 34 na babae. (ANDI GARCIA)