Advertisers

Advertisers

KILABOT NA ‘SALISI’, UMATAKE SA NAIA TERMINAL 1

0 30

Advertisers

ISANG British national at asawang Pinay ang umano’y naging biktima ng ‘Salisi gang’ matapos na mawala ang sling bag ng dayuhan nang ilagay nito sa x-ray machine ang kanyang gamit, di kalayuan sa isang food chain sa departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 , lungsod ng Pasay noong Sabado ( March 2,2024 )

Nagulat ang mag-asawang ‘Lynch’ nang hindi na lumabas sa x-ray scanning machine ang sling bag na naglalaman ng mga cellular phone, wallet at Identification card kung saan ay ipinasok nila sa loob ng makina.

Agad na iniulat ng mag-asawang pasahero ang insidente sa Airport POlice Department (APD) kaya’t agad na inaksyunan at tiningnan sa CCTV footage. Makikita sa tv screen na inilagay ng British national ang kanyang sling bag sa X-ray machine, ngunit hindi mahanap ng security officer na namamahala doon kung saan napunta ang nasabing bag.



Nagpahayag ng pagkadismaya ang mag-asawa ngunit “nagpapasalamat” pa rin dahil hindi nila nawala ang kanilang mga pasaporte na nasa ibang bag nang makasakay sila sa kanilang flight papuntang London.

Iniimbestigahan na ngayon ng mga opisyal ng Manila International Airport Authority ang insidente at wala pang inilalabas na pahayag sa pinakabagong kontrobersiyang ito.



Samantala, sinabi ng tagapagsalita ng Office for Transportation Security (OTS) na si Kim Marquez hinggil sa panayam ng isang radio reporter kay Ms. Abigail Lynch habang tinitingnan nila ang mga CCTV footages na nakitang maraming tao ang nakapila malapit sa x-ray machine majority dito ay kamag-anak ng papaalis na mga pasahero habang ang iba ay papunta sa food chain.

Sinabi ni Marquez na ang X-ray malapit sa food chain ay pinamamahalaan ng mga security personnel ng Terminal at hindi mga empleyado ng OTS. (JOJO SADIWA/JERRY TAN)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">