Advertisers

Advertisers

NAIA housekeepers masisibak sa viral na daga, surot

0 10

Advertisers

NANGANGAMOY sibakan sa housekeeping unit ng Ninoy Aquino International Airport kasunod ng viral na pagbulaga ng daga at pamemerwisyo ng surot sa mga pasahero.

Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Eric Jose Ines, ipinag-utos na niya ang pag-review sa mga contract ng lahat ng serbisyo sa NAIA.

Aniya, mayroong lapses sa parte ng housekeeping at pest control units.



Pinag-iisipan na ng opisyal ang pag-terminate sa mga kontrata.

Matatandaan na ilang pasahero o kaanak ng mga pasahero sa NAIA ang inireklamo ang surot sa paliparan mula sa ratan kanilang inupuan.



Nag-viral din sa social media ang video ng pag-‘hello’ ng isang daga sa kisame ng paliparan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">