Advertisers

Advertisers

Chef. nireklamo ng ‘rape’ sa Antipolo City

0 254

Advertisers

INIREKLAMO ang isang chef ng multi-national company ng panggagahasa ng 19-anyos na estudyante sa Antipolo City.

Kinilala ng Antipolo City Police Station ang suspek na si John Paul Aguilar Sia, 41 anyos, nagtatrabaho bilang chef sa Unilever at naninirahan sa Sta Rosa, Laguna.

Itinago ang biktima sa alyas Karen, estudyante, ng Barangay Mayamot, Antipolo City.



Ayon sa reklamo, nagtungo si Sia sa bahay ng biktima March 2, 2024, dakong 1:00 ng hapon. Ang pagkikita ng dalawa ay nauwi umano sa panghahalay.

Inirekomenda naman ng Women and Children Protection Center Investigator na isailalim sa genital examination ang biktima upang makumpirma kung pisikal o seksuwal itong inabuso.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">