Advertisers

Advertisers

‘Termite Gang’ nabulilyaso sa minartilyong ATM

0 12

Advertisers

NABULILYASO at tumakas ang mga miyembro ng `Termite Gang’ na magnanakaw sana ng dalawang automated teller machine (ATM) ng bangko sa Barangay Catbangen, San Fernando City, La Union, Lunes ng gabi, March 4.

Ayon sa San Fernando City Police Station (SFCPS), sinabi ni Sherwin V. Rivera, 26 anyos, security guard ng Department of Education, ng nasabing siyudad na may narinig siyang nagpupukpok ng martilyo sa ATM ng Landbank at ATM ng Philippine Business Bank 10:37 ng gabi.

Agad niya itong itinimbre sa SFCPS at agad na nagresponde ang mga tauhan nito.



Nadatnan ng mga operatiba ang kanal na dinaanan ng grupo hanggang sa marating ang mga ATM.

Ayon sa pulisya, maaaring nakatunog ang mga magnanakaw na may rumespondeng operatiba kaya agad na tumakas.



Narekober ng mga otoridad ang 2 hydraulic jack, 2 metal saw, 4 metal strap at 6 piraso ng solid wood.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">