Advertisers

Advertisers

7/11 hinoldap ng ‘kostumer’

0 21

Advertisers

NASIMOT ang kita ng isang convenience store nang holdapin ng mga nagpakilalang kostumer sa Sta. Mesa, Maynila, Huwebes ng umaga.

Sa imbestigasyon ng MPD-Station 8, bandang 2:00 ng umaga nang pumasok sa 7/11 convinience store sa Teresa St., Barangay 592, Sta. Mesa, Manila ang isang lalaki na nagpanggap ng kostumer.

Nakasuot ang lalaki ng black jacket, maong jeans, black cap atblack facemask, may taas na 5’7″ hanggang 5’8″, katamtaman ang pangangatawan at sakay ng motorsiklo.



Sa reklamo ni Jonel Godo, store manager ng naturang establisyemento, agad tinumbok ng lalaki ang cashier at naglabas ng baril, nagdeklara ng hold-up at sinimot ang kinita ng convinience store na aabot sa P11,965 batay narin sa isinagawang inventory.

Matapos ang panghoholdap, tumakas ang holdaper patungo sa direksyon ng Anonas Street.



Patuloy ang imbestigasyon at follow-up operation ng pulisya sa krimen.(Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">