Advertisers
NATAGPUANG bangkay ang isang kasambahay na may mahigit 50 saksak sa katawan sa Barangay Santa Cruz, Palo, Leyte nitong Miyerkules, Marso 6.
Kinilala ang biktima na si Dylen, 31 anyos, ng Barangay San Antonio, Palo.
Nakatanggap ng tawag ang pulisya mula sa kapitbahay ng biktima na nagpaalam na may nadiskubreng bangkay sa isang inuupahang apartment sa lugar.
Sa ulat, natagpuan ang biktima ng kanyang live-in partner na nakahandusay sa loob ng apartment nang sunduin niya ito.
Huling nakitang buhay si Dylen. 1:00 ng hapon at natuklasan ang kanyang bangkay 6:30 ng gabi.
Nagsasagawa ng follow-up investigation ang pulisya.