Advertisers

Advertisers

World Aquatics Pres. Al Musallam, saludo sa Pilipino!

0 54

Advertisers

Nais maisakatuparan ng pangulo ng World Aquatics na si Capt. Husain Al-Musallam na matutong lumangoy ang mga bata sa buong mundo na isang adbokasiyang dapat maging realidad and it is beyond aquatics competitions lokal man hanggang international championships.

” Our vision is aquatics competitions and beyond. Water is life. Clean water from seas,lakes and rivers can help a child to learn how to swim,not necessarily for competitions but to protect themselves from drowning”, pahayag ng pinuno ng wòrld aquatics sa press conference bago siya nagpaalam matapos ang tatlong araw na presensya sa papatapos na kampeonato ng 11th Asian Age Group Championship sa New Clark City bilang pinaka-espesyal na panauhin.

Pinuri din niya ang world class na pasilidad partikular ang olympic standard na swimming pool ,diving at water polo venue, ang athletes’ village at hospitality ng mga Pilipino.



Ikinagagalak ni Al- Musallam ang pag-asenso sa larangan ng aquatics ng mga Asyano at optimistiko siyang darating ang araw na may Pilipinong nasa podium na rin ng world aquatics competitions.

Pinasalamatan naman nina Philipppine Aquatics top officials Mico Vargas at Cong.Eric Buhain ang lubos na suportang ipinamalas ni Al-Mussalam sa Pilipino sa larangang may kakayahang mag-excel matupad lang ang inilatag nilang programa para sa lokal na aquatics athletes mula grassroots hanggang elite.

“Ima-maximize natin ang pagdiskubre ng talento mula sa grassroots o kanayunan kung saan ay naroon ang goldmine ng mga potensyal na makapagbibigay ng karangalan sa bansa sa hinaharap na ating ihahasa at imomolde bilang kampeon. Katuwang ang ating mga lokal na organisasyon, narito kami ni pres. Miko (Vargas)na makikipagkapit- bisig sa lahat ng konsernado upang matupad ang pagarap na pag-asenso ng Pilipinas at maitala sa mapa ng world aquatics na nasa podium na ang ating mga pambato sa international competitions,” pahayag ni Batangas District 1 Rep.Buhain na siyang secretary general ng Philippine Aquatics.

Panauhin din sa press conference si dating Japanese Olympic swimming gold medalist(1988 Seoul Olympics)at vice president ng World Aquatics na si Daichi Suzuki.

Dahilan sa ang swimming ang first love ni Cong Buhain( sports leader par excellence, olympian at multi-SEAG swimming gold medalist),no way but swim to victory ang giya niya sa ating mga pambatong Pinoy aquatics sa international scenes…



ABANGAN!

Lowcut: Kung nais niyong mag-avail ng mga primera klaseng office equipments partikular ang mga top of the line na mga personal at office computer,laptop ,printer,gadget at iba pa,name it you’ll have it! Avail na sa bagong promo ng 2999 Online Shop na nasa Regala Tower sa may Tuason- EDSA ang lokasyon.Ang affordable na kapital nyo ay sulit sa mataas na kalidad ng kanilang produkto na ipinagmamalaki ni M’dam Alma Capital.Go na sa 2999 Online Shop-Supplier of Quality Laptop , Computer and Printers at affordable prices.Now na!