Joshua marami pang pinakakain kaya hintay muna sa dream house at franchise ng sikat na fastfood chain
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
PAUNTI-unti nga raw ay makakamit din ng guwapong aktor na si Joshua Garcia ang kanyang pinapangarap na dream house.
Sa kanyang fan meet, sinabi nito na marami itong pinapakain at umaasa sa kanya.
Mismong sinabi ng aktor na nakabili na ito ng 3-level na townhouse para sa kanyang family.
Happy naman ito na matapos niyang i-cash ang payment ay nabawi agad ito ng aktor dahil may dumating na ilang endorsement.
Isa sa target nito ay mapag-ipunan ang kanyang dream house.
Ganun na rin ang pag-franchise ng Jollibee na gusto nitong dalhin sa Batangas.
Soon, baka ang dream house na type nito at franchise ng Jollibee ay matupad habang ang aktor ay marami pang proyektong nakaabang.
***
MUKHANG trulili ang mga tsika na nagkabalikan na sina Bea Alonzo at fiancee na si Dominic Roque sa kabila na wala pang naririnig na pag-amin sa dalawa.
Sa mga nagdaang isyu ay tila matindi ang break up ng dalawa kaya inisip ng netizens na tapos na sila.
Dumating pa sa punto na tinanggal at di na sinuot pa ng aktres ang kanilang engagement ring.
Kaya ang inaasahang kasalan ay di na matutuloy sa samu’t saring espekulasyon.
Pero before at after ng bakasyon ng aktres sa Singapore kasama ang pamilya ay may mga sitsit na nagkabalikan na raw ang dalawa.
Ngayon ay may nakakita na suot na muli ni Bea ang kanilang engagement ring ni Dom.
Tuloy na kaya ang kasal? Well, well, well…
‘Yun na!