Advertisers
Nasawi ang barangay tanod nang barilin ng barangay kagawad sa birthday party sa Brgy. Bagacay East, Lapaz, Leyte noong Martes ng gabi, March 12.
Kinilala ng Lapaz Police Station (LPS), ang namatay na si Francis Berones, ng nasabing barangay.
Ayon sa LPS, dumalo sa birthday party si Berones sa anak ng salarin na si Julio Custudio, isang barangay kagawad.
Sinabi ng LPS, nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo sina Berones at Custudio kaya nagpasya na lamang ang biktima na umalis sa okasyon.
Pasakay na umano ito sa kanyang motorsiklo nang harangin ng salarin at pinagbabaril.
Agad na dinala si Berones sa ospital nguni’t dead-on-arrival na ito dahil sa mga tama ng bala.
Inaresto ng mga pulis si Custudio na nakipag-inuman pa sa kanyang mga kaibigan.