Advertisers

Advertisers

Pagbaba ng paninigarilyo mas mabilis sa mga bansang gumagamit ng smoke-free alternatives

0 91

Advertisers

ANG mga bansang gumagamit ng smoke-free alternatives gaya ng e-cigarettes, heated tobacco, at nicotine pouches ay nakakaranas ng mas mabilis na pagbaba ng paninigarilyo kumpara sa mga bansang may mas mahigpit na patakaran, ayon sa serye ng mga internasyonal na pag-aaral at makasaysayang datos.

Isang malakihang pag-aaral na kamakailan lamang na inilathala sa JAMA Network Open ay nagpapahiwatig na lumalawak ang paggamit ng nicotine pouches bilang transition tool para sa mga Amerikano na nais huminto sa mas mapanganib na mga tobacco habit.



Ayon sa pananaliksik na isinagawa ng Rutgers Health gamit ang datos mula sa US Census Bureau ng mahigit 110,000 na mga adult (2022–2023), bagama’t hindi pa malawak ang paggamit ng publiko sa nicotine pouches, ang mga produktong ito ay lumilitaw na mahalagang alternatibo para sa mga taong nais tumigil sa paggamit ng combustible tobacco o e-cigarettes.

Naobserbahan ng pananaliksik na pinangunahan ni Cristine Delnevo, direktor ng Rutgers Institute for Nicotine and Tobacco Studies na ang araw-araw na paggamit ng nicotine pouches ay pinakakaraniwan sa mga taong kamakailan lamang tumigil sa paninigarilyo. Nakita rin na ang mga dating naninigarilyo ay apat na beses na mas malamang gumamit ng pouches araw-araw kumpara sa mga taong patuloy pang naninigarilyo.



Ipinapahiwatig ng pag-aaral na ang nicotine pouches ay sumusuporta sa mga hakbang para sa harm reduction, kahit na hindi ito marketed bilang mga produktong pangtigil ng paninigarilyo. Ayon kay Delnevo, “Para sa mga taong naninigarilyo o gumagamit ng ibang produktong may nicotine at ayaw tumigil sa paggamit ng nicotine, ang ganap na paglipat mula sa mas mapanganib na produkto tungo sa mas mababang panganib gamit ang nicotine pouches ay malamang na makabuti para sa public health.”

Ito ay dahil ang nicotine pouches, kasama ng iba pang smoke-free products, ay naghahatid ng nicotine nang walang combustion o pagsusunog na kaugnay sa paninigarilyo. Ayon sa isang toxicological review noong 2025 na inilathala ng U.S. National Library of Medicine (NLM) at isinulat ng aerosol chemist na si Reinhard Niessner, dahil iniiwasan ng e-cigarettes, heated tobacco products, at nicotine pouches ang combustion, naglalabas ang mga ito ng mas mababang antas ng mga harmful and potentially harmful constituents (HPHCs).



Sa pag-aaral na pinamagatang “The potential of smoke-free products to reduce harm for smokers: What does the toxicological evidence say?’, ipinaliwanag ni Niessner na ang pangunahing sanhi ng mga sakit na kaugnay sa paninigarilyo ay ang mga lason na nalilikha kapag nasusunog ang tabako, hindi ang nicotine. Habang ang isang sinding sigarilyo ay naglalabas ng humigit-kumulang 6,500 chemicals—kung saan 100 ay lubhang nakalalason—ang mga smoke-free alternatives ay iniiwasan ang proseso ng combustion, kaya’t napipigilan ang pagbuo ng mga mapanganib na sangkap na ito.

Walang proseso ng pagsusunog ang e-cigarettes, heated tobacco, at nicotine pouches, kaya nagreresulta ang mga ito sa napakababang antas ng HPHCs.

Natuklasan sa isang pag-aaral na inilathala sa Oxford Academic noong Pebrero 2024 ng Brighton and Sussex Medical School na ang mga naninigarilyo na kumikilala sa vaping bilang mas hindi mapanganib kaysa paninigarilyo ay mas malamang na tuluyang tumigil manigarilyo at lumipat sa vaping makalipas ang anim na taon.

Pinakamalinaw ang trend na ito sa Sweden, na inilarawan ni Damian Sweeney, chair ng New Nicotine Alliance Ireland, bilang makapangyarihang “proof of concept.” Bagama’t ang kabuuang paggamit ng nicotine sa Sweden ay kapantay ng average ng European Union, karamihan sa mga konsumer ay gumagamit ng snus o nicotine pouches. Dahil dito, bumaba ang smoking prevalence sa Sweden sa 5 percent, ang pinakamababa sa EU.