Advertisers

Advertisers

63 Pinoy iuuwi mula sa Haiti dahil sa lumalalang gulo – DMW

0 47

Advertisers

INIHAYAG ng Department of Migrant Workers (DMW) na ibabalik sa Pilipinas ang 63 Filipinos mula sa Haiti.

Ayon kay DMW officer-in-charge Hans Leo Cacdac, hindi na bumu-buti ang sitwasyon sa Haiti.

Ani Cacdac, isasagawa ang voluntary repatriation pagkatapos itaas ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Alert Level 3 sa naturang bansa.



Sinabi pa ni Cacdac ikinukunsidera nila na umupa ng eroplano para sa mga iuuwing Filipino. Nabatid na may 115 Filipino sa Haiti.

Lumala ang sitwasyon sa Haiti dahil sa iba’t-ibang grupo at kinailangan na isara ang main international airport.



Wala pa naman sa mga Filipino ang apektado ng lumalalang kaguluhan.

Matatandaan sa unang bahagi ng Marso, nagdeklara ng state of calamity ang gobyerno ng Haiti kasunod ng bayolenteng labanan ng 2 pangunahing criminal gang sa Port-au-Prince na humantong sa prison breaks sa layuning mapatalsik sa pwesto si Prime Minister Ariel Henry.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">