Advertisers

Advertisers

Tubig!

0 5,078

Advertisers

NAPAKALAKING problema ngayon ang tubig sa mga probinsiya partikular sa mga umaasa lamang na ang source of water ay maliit na ilog.

Oo! Sa tindi nitong El Nino, na nagmula ng Pebrero at tatagal hanggang Mayo, kungsaan umaabot ng hanggang 46 degrees celsius ang temperatura, natuyo ang mga sapa pati mga ilog sa mga probinsiya. Maging ang mga balon at water pump (bomba) ay natuyo. Kaya hirap sa tubig na magagamit panglaba lalo inumin ang mga residente.

Ang naging solusyon ng marami ay nagpahukay ng mas malalim para maabot ang level ng tubig at gamitan ng water pump.



Maaring tumindi pa ang El Nino sa mga sunod na summer, sabi ng PAGASA. Kaya dapat paghandaan na ito ng national at local government units sa mga probinsiyang hirap sa source ng tubig.

Ang solusyon kong nakikita, na akin nang ginawa nang matuyo ang mga balon at water pump sa amin nitong nakaraang linggo, ay magpatayo ng maayos na water pump sa mga sitio ng barangay para may mapagkukunan ng malinis na tubig ang mga residente sa ganitong panahon ng El Nino. Ngayon ang tamang panahon para gawin ito…



Ito na muna ang dapat pondohan ng LGUs. Stop muna ang paggawa ng mga bagong kalsada sa kabundukan na bindi naman ganun kaimportante sa buhay ng mamamayan dahil mayroon namang major roads. Unahin muna itong problema sa tubig. Oo! Resolbahin ang problema sa tubig. Now na!

Sa tantiya ko, hindi uubos ng P50K ang budget sa pagpatayo ng maayos na water pump.



Sa aking karanasan, ang pakyaw sa paghuhukay ay P15K hanggang P20K, tatlo hanggang apat na blue containers na more or less ay P2K ang halaga bawat isa, dalawa hanggang tatlong tubo na nagkakahalaga ng more or less P2K bawat isa, buhangin at semento na ‘di naman uubos ng P5K, tapos motor na at least 1.5 horse power na worth P3K to P4K. Hindi ito uubos ng P50K. Pramis!

Just do it, Mayor!

***

Pagkatapos nitong El Nino ay La Nina.

Ito naman ang tamang panahon para magtanim ng mga puno na makakapag-produce ng tubig na kakailanganin natin pagsapit ng El Nino.

LGUs parin ang dapat gumawa nito. Let’s do it, mga mayor.

***

Laging magkasalungat ang statement nitong mag-utol na Senador Imee at President “Bongbong” Marcos, Jr.

Kung si Bongbong ay nanggagalaite na sa pinaggagawa ng China sa ating mga mangingisda at mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea partikular sa Ayungin Shoal, si Imee naman ay kontra na kantiin itong mga China Coast Guard vessels at China militia vessels.

Parehas lang sina Imee at Vice President Sara Duterte na wala pakialam sa mga panghaharang, pagsagasa at pambobomba ng tubig ng CCG vessels sa mga barko ng Pilipinas sa WPS.

Ang mga ganitong uri ng opisyales ay hindi na dapat ibalik pa sa puwesto. Hindi sila bagay maging opisyal ng Pilipinas!

Say n’yo mga pare’t mare?