Advertisers

Advertisers

Ex ni Pokwang na si Lee O’Brian dineport ng BI

0 19

Advertisers

MATAGUMPAY na naipatapon pabalik ng Amerika ng Bureau of Immigration (BI) ang ex ng komedyanteng aktres na si Pokwang.

Matatandaan na noong isang taon ay naghain ng deportation case ang komedyante na si Marietta Subong sa totoong buhay laban sa kanyang ex partner na American national na si Lee O’Brian dahil sa pagtatrabaho nito ng walang permit.

Sa kanyang reklamo, sinabi ni Subong na si O’Brian ay nagtatrabaho sa iba’t-ibang production companies ng walang required Department of Labor and Employment at BI permits.



Nakitaan naman ng merito ng BI ang reklamo ni Subong kung kaya’t agad nitong inutos na i-deport si O’Brian noong December dahil sa paglabag ng mga kundisyon sa kanyang pananatili sa bansa.

Naghain naman si O’Brian ng motion for reconsideration, pero ibinasura ito ng ahensya.



Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na si O’Brian ay dineport gabi ng April 8 sakay ng Philippine Airlines flight patungong San Francisco. Ito ay matapos na makumpirma ng BI na Wala siyang pending local case sa Pilipinas.

Bilang resulta ng kanyang deportation, ang pangalan ni O’Brian ay isinama na sa BI’s blacklist, upang hindi na ito makapasok pa ng Pilipinas. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">