Advertisers
PINUNTAHAN ng mga kinatawan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang vlogger na si “Boy Tapang” kaugnay sa isa niyang content.
Sa kanyang content, gumawa siya ng saranggola gamit ang perang papel.
Kasunod nito’y humingi siya ng paumanhin sa BSP at sa follower niya.
Aniya, hindi niya intensiyon na paglaruan ang pera dahil mahalaga ito sa kanya sapagkat galing siya sa pagiging mahirap.
Ginawa lamang aniya ito “for entertainment purposes” dahil naisip niyang kakaiba kapag gawa sa pera ang saranggola.
“Nakipag-ugnayan sakin ang Team ng PCIG ng Bangko Sentral ng Pilipinas!! Ang pera ay hindi dapat paglaruan! I’m sorry BSP!!!,” saad ni Boy Tapang sa Facebook post.