Advertisers

Advertisers

DILG, DOTr, MMDA at PNP nagsanib-puwersa kontra kolorum

0 53

Advertisers

NAGSANIB-puwersa ang Department of Interior and Local Government (DILG); Department of Transportation (DoTr); at Metro Manila Development Authority (MMDA) kasama ang Philippine National Police (PNP) upang palakasin ang kampanya laban sa kolorum sa layunin na mapaluwag ang trapiko.

Ang pagsasanib ng puwersa ay matapos na lumagda sa isang “memorandum of agreement’ (MOA) na isinagawa ng mga nasabing ahensya sa Camp Crame nitong Miyerkules.

Sinabi ni MMDA Acting Chairman Romando Artes Jr, na layunin nito na mapalakas at paigtingin ang kampanya ng pamahalaan laban sa kolorum na nakaapekto sa mga lehitimong namamasada.



Sa panig naman ni DOTr Sec. Jaime Bautista, pagtugon ito ng mga ahensya sa panawagan ng mga sumusuporta sa PUV Modernization Program na masugpo ang mga kolorum na lubhang nakaka-apekto sa kanilang kita pang-araw-araw.

Isinaad naman ni DILG Secretary Benhur Abalos, ang kolorum na sasakyan ay walang legal na prangkisa, kapag nabangga ay walang makukuhang benepisyo ang mga pasahero nito.



Aniya, ang pagsasanib-puwersa ay bilang pagtugon sa kautusan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tapusin na ang pamamayagpag ng mga kolorum na pampasaherong bus at dyip sa kalsada hindi lang sa Metro Manila kundi sa buong bansa.

Ang mahuhuling mga kolorum na sasakyan ay may multang P200,000 habang P1 Million naman ang multa sa kolorum na pampasaherong bus. (Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">