Advertisers

Advertisers

Jose at Wally mas trip na magpatawa kaysa kumanta

0 11

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

KAILAN lamang ay nakasama kami mismo nina Jose Manalo at Wally Bayola sa Canada para sa kanilang The Jose and Wally Show Canada Tour 2024 na produced ng Fireball Productions–Canada nina Loren Ropan at Rhodora Soriano.

Kasama rin ang bandang Pedro & The Hallowblocks na binubuo nina Pedro Busita, Jr., Jessie Leandro Pacatang, Ericson de Villa with the special participation of Paul Traqueña na drummer mula mismo sa Calgary.



Tinanong naman namin si Jose kung saan siya mas nag-e-enjoy sa mga out-of-the country shows, magpatawa o kumanta?

Lahad ni Jose, “Magpatawa. Pero kasama pa rin si kanta, e.”



May mga nagugulat kapag kumanta na sina Jose at Wally dahil maganda ang singing voice ng comic duo.

Reaksyon ni Jose, “Sabi ko nga nung nagre-rehearsal kami kagabi dun sa tech, dahil yung mga local dito, may puti, ano yan e mga seryoso sa trabaho yan e, kaya pagdating ko paos na ako, sabi ko, ‘We’re not singers,’ sabi kong ganun, ‘tulungan niyo kami.’



“So nakakakanta pero yung nagugulat sila kasi ang nakikita nila kasi tawa lang nang tawa, e. So parang dagdag na lang sa amin yun e, dun sa package namin na kumakanta kami.

“Pero more talaga gusto namin mas magpatawa.

“Nawala na yung era dati kasi na merong mga komedyante talaga na magagaling din talagang kumanta. So hindi naman kami puwedeng… nakakakanta, puwede, nakakakanta kami, is add na lang para dun sa pina-package sa amin.

“Na may mga kanta, ano bang mga uso? Kailangan pag narinig nila, nakaka-relate sila sa dun kinakanta namin. So yung paghanga sa pagkanta, siguro lahat iyan pasalamat sa Diyos, e!

“Kasi binigyan kami ng ganun kasi hindi naman kami puwedeng tumayo lang dito para magpatawa.”

“Kailangan may naka-package ka, variety.”

Special mention sa manager nina Jose at Wally na si Joel Roslin na very competent manager at napakabait.

***

BOKALISTA ng bandang SinosiKat si Kat Agarrado at nagkuwento siya tungkol sa kanilang banda…

Nahinto ang kanilang musical journey nang hagupitin ng COVID19 pandemic ang buong mundo, at ngayon ay nagbabalik ang kanilang banda…

“Pero sa ngayon parang ito yung pagbabalik,” pahayag pa ni Kat, “kasi di ba we all know that nung pandemic na-stop talaga yung lahat, and then some of my bandmates moved to different countries, tapos some of the bandmates have a family, so ako din, I had a kid, so parang nag-iba-iba yung priorities.

“Tapos I thought might as well continue the legacy of SinosiKat, since maraming sumusuporta, at maraming naghihintay, maraming sumusuporta sa Sinosikat at nagmamahal, kaya parang I thought…”

Pagpapatuloy pa ni Kat…

“I spoke with my label, which is Warner Music Philippines and they thought it’s a good idea. At some point…kasi parang wala na yung mga bandmates di ba, at some point parang magso-solo na ba ako as Kat Agarrado?

“But the songs are still the same, because I wrote it, it’s my style, you know, but I thought SinosiKat na lang, let’s continue the legacy ng SinosiKat, and I like collaborating with the musicians that I respect and love.”

Ang Heart Calling ang bagong single ng SinosiKat.