Advertisers

Advertisers

Anyare sa DoJ?

0 4,231

Advertisers

ANG Department of Justice (Kagawaran ng Katarungan) ay nasa ilalim ng executive department ng gobyerno ng Pilipinas na responsable sa pagpatupad sa alituntunin ng batas sa bansa. Ito ang principal law agency ng gobyerno, nagsisilbi bilang legal counsel at prosecution arm.

Pero tila ang nangyayari ngayon sa ating kagawaran ng katarungan ay naging politikal na, naging tagapagtanggol ng kanilang mga kakamping nagkasala at nagdidiin sa mga katunggali sa politika.

Oo. Tulad ng ginagawang imbestigasyon ngayon ng International Criminal Court (ICC) sa walang patumanggang mga pagpatay ng nakaraang Duterte administrasyon sa kanilang “war on drugs” kungsaan mahigit daw sa 30,000 ang biktima, ayon sa human rights group pero sa datus ng PNP ay higit 6,000 lamang ang natigok.



Dahil hindi nabibigyan ng katarungan ang mga biktima, idinulog ng human rights group sa ICC ang mga pagpatay, kungsaan kinasuhan ng ‘crimes against humanity’ si dating Pangulo Rodrigo Duterte, kanyang dating PNP Chief ngayo’y Senador Ronald “Bato” Dela Rosa at iba pang opisyal.

Sa pinakahuling impormasyon na ibinunyag ni dating Senador Antonio Trillanes, ang numero unong kritiko ni Duterte, sinabi niyang nakausap na ng ICC investigators ang mahigit 50 dati at aktibong opisyal ng PNP na may kinalaan sa pagpatupad ng umano’y pekeng “war on drugs”.



Pero inanunsyo ng DoJ na mananagot ang sinumang opisyal na nagbigay ng impormasyon sa ICC tungkol sa war on drugs.

Dahil dito, binira ng mga kritiko at mga abogado ang naging reaksyon ng DoJ.



Sabi ni dating Senador at dating Justice Secretary Liela de Lima, ang DoJ ay dapat nakikiisa sa mithiin ng ICC na mapanagot ang mga kriminal sa halip na takutin ang mga pulis na mananagot ang mga ito sa pakikipag-coordinate sa ICC.

“It is supremely ironic that the very institution that ideally and imperatively stands and works for justice is the one blocking and undermining ICC’s quest for justice,” bira ni De Lima.

“This is obstruction of justice, as the ICC remains an international treaty body that commands recognition of its official actions even from non-member states,” diin ng dating Senadora na nakulong ng halos 6 years under Duterte administration matapos gawan ng mga tahi-tahing mga kaso sa droga.

Isa pang abogado, Dino de Leon, ang nag-post sa social media. Sinabing ang statement ng DoJ na nagbabala sa pananagutan ng police personnel “is not only irresponsible fear-sowing, it is bereft of legal basis.”

“The DOJ is going against its mandate to promote justice when it releases such an unjust and ill-informed declaration,” giit ni De Leon.

Binanggit pa ni De Leon ang 2021 Supreme Court ruling sa Pangilinan v. Cayetano, sinabing kahit ang Pilipinas ay nakapagsumite ng withdrawal, hindi parin ito excuse mula sa the criminal proceedings ng ICC.

Ang Pilipinas, ani De Leon, ay mayroon paring obligasyon sa ilalim ng International Humanitarian Law, na nakasaad sa domestic law sa ilalim ng Republic Act 9851 (Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide, and Other Crimes Against Humanity).

“Surely, the DOJ’s opinion cannot supersede the declaration of the Highest Court?” diin ng abogado.

Ang pakikipagtulungan sa ICC ay pagtupad sa obligasyon ng Pilipinas sa ilalim ng international and domestic law, paliwanag ni De Leon.

“There is no liability in that, and in fact, that is their duty as public officials of a country who is a member of the Community of Nations,” giit niya. “Ang pagbawal sa pakikipagtulungan sa ICC ay unconstitutional”.

“If the Executive Branch would go against these legislations, its actions are invalid and unconstitutional,” paliwanag pa ni De Leon.

Ang ginawa ng DoJ ay taliwas sa batas at sa Supreme Court ruling.

Say n’yo mga pare’t mare?