Advertisers

Advertisers

P2m kush at cannabis oil nasabat sa NAIA

0 20

Advertisers

PATULOY ang follow-up operations para matukoy ang mga may-ari ng parcel na may laman na illegal na droga sa Ninoy Aquino International Airport.

Nadiskubre ang tinatayang P2 milyong halaga ng kush at cannabis oil na nakatago sa loob ng 70 vape pens.

Natagpuan ang ilegal na droga matapos ang K-9 inspection sa inabandonang inbound parcel noong Abril 26.



Ang mga bagay sa loob ng mga pakete mula sa USA at Canada ay idineklara na car seat covers, customized na coffee mugs at mga libro. Ngunit sa pagbukas ng mga parcel, natuklasan ng mga awtoridad ang kush at cannabis oil na nakatago sa loob ng 70 vape pens.

Ayon sa awtoridad, nasa disposisyon na ng PDEA laboratory service ng Quezon City ang mga parcel at nagsasagawa na ang NAIA-IADITG ng imbestigasyon para malaman ang kinaroroonan ng mga consignee ng parcels.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">