Advertisers
ARESTADO ang apat katao sa pagtitinda ng pornographic materials sa Quiapo, Manila.
Sa operasyon ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Manila, naaresto sina Maria Bajador, 43 anyos, ng 352 Elesondo St., Quiapo; Charito Lopez, 34, ng 383 Elesondo St., Quiapo; Abdul Basit Sharife, 24, ng Brgy. 383, Quiapo; at Abdul Muhammad Daud, 25, ng Plaza Miranda, Quiapo.
Kasama ng CIDG Manila sa operasyon ang mga operatiba ng Manila Police District Stn 3 at MDIT RIU NCR.
Nag-ugat ang operasyon nang magreklamo ang Optical Media Board (OMB) hinggil sa talamak na bentahan ng pornographic materials patikular CDs at DVDs sa 352 Elesondo St., Quiapo.
Nakumpiska sa operasyon ang 8 boxes ng porn CDs, 2 plastics bags ng porn CDs, 2 computer monitor, 3 CD/DVD writer, 1 Pc CPU, at Dvd player. Tinatayang nagkakahalaga lahat ito ng P100,000.
Ang mga naaresto ay mahaharap sa paglabag sa Article 201 ng RPC (Obsense Publication) sa Office of the City Prosecutor Manila.