Advertisers

Advertisers

Gasoline station, nilimas ng kawatan

0 8

Advertisers

Natangay ng mga holdaper ang hindi pa matukoy na halaga ng perang koleksyon ng isang gasoline station sa Purok 1 sa Crossing Cuevas sa bayan ng Trento sa Agusan del Sur noong Biyernes ng tanghali, April 26, 2024.

Sa ulat ng Trento Municipal Police Station nitong Sabado, nagpanggap na customer ang mga suspects at nang makalapit sa kahera ng naturang gasoline station, nagdeklara ng holdap.

Dahil may mga baril, walang nagawa ang mga empleyado ng naturang gasoline station at kusa ng natangay ng mga holdaper ang perang kinita ng establisimento na nasa pag-iingat ng takot na kahera.



Mabilis na nakatakas ang mga salarin gamit ng kanilang motorsiklo.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">