Advertisers
Nabiktima ng kawatan ang isang Angkas rider nang matangayan ito ng motorsiklo at cellphone ng kanyang customer sa Dasmarinas City, Cavite.
Personal na humingi ng tulong ang biktima na si alyas Marlon sa Dasmarinas Component City Police Station upang magreklamo sa kanyang sinapit.
Sinabi ng biktima na 2:30 ng madaling araw nang nakatanggap siya ng booking kung saan susunduin niya ang suspek sa Barangay Salitran 2, Dasmariñas City, Cavite.
Pagdating ng biktima sa lugar, sa halip na sumakay tinutukan siya ng suspek ng hindi niya matukoy na kalibre ng baril, tinangay ang kanyang cellphone pati ang kanyang motorsiklo na isang Suzuki Gixxer 150.
Patuloy ang backtracking ng pulisya sa closed circuit television (CCTV) sa lugar para matukoy ang suspek.