Young designers nagpasiklaban sa RetaShow Ni ARCHIE LIAO ISANG malaking tagumpay ang ginanap na Retashow: QC’s Catwalk to Sustainability sa SM Novaliches kamakailan. Itinampok dito ang mga obra ng mga malikhaing designers gamit ang used o recycled textile. Ang event ay pagtatapos ng Earth Day celebration na nagsimula pa noong April 22. Layuning ipanalo nito ang kalikasan laban sa masamang epekto ng textile waste at plastic pollution. Naniniwala kasi si QC Mayor Joy Belmonte na advocate ng sustainable fashion na hindi kailangang malimitahan ang pagiging malikhain ng mga Pinoy gamit ang used o recycled fabric sa paraang nakatutulong din sila sa kalikasan. Dahil usung-uso ang fast fashion, nakakaalarma ang pagkonsumo ng mga damit na gawa sa synthetic fiber na isang uri ng plastic na ayon sa datos ay bumubuo ng malaking bahagi ng textile waste sa mundo. Mensahe ng Retashow na maging conscious ang lahat sa pagbili ng mga damit at gamit at gawing uso ang upcycling, and repurposing. Ito ay kaugnay din sa mga programang Trash to Cashback – na isang incentivized recycling program, at Refill Hub initiative, na ipinatutupad sa lungsod ng Quezon. Naging kabalikat din nito ang Kilo/s Kyusi: Kilo Store ng Bayan, Tulong para sa Kinabukasan, na naglalayong isulong ang sustainable consumption sa pamamagitan ng reuse at repurpose. Pinangunahan ito ng mga empleyado ng lungsod na nag-donate ng kanilang mga pre-loved items tulad ng damit, bags, mga kagamitan sa bahay na ibinebenta kada kilo for a cause. Sa loob lamang ng isang linggo ng pagbubukas, mahigit isang milyong piso agad ang nalikom mula sa mga nabiling pre-loved items, na ginagamit ngayon upang tulungan ang mga estudyanteng palakasin ang kanilang kaalaman at kahusayan.
Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
ISANG malaking tagumpay ang ginanap na Retashow: QC’s Catwalk to Sustainability sa SM Novaliches kamakailan.
Itinampok dito ang mga obra ng mga malikhaing designers gamit ang used o recycled textile.
Ang event ay pagtatapos ng Earth Day celebration na nagsimula pa noong April 22.
Layuning ipanalo nito ang kalikasan laban sa masamang epekto ng textile waste at plastic pollution.
Naniniwala kasi si QC Mayor Joy Belmonte na advocate ng sustainable fashion na hindi kailangang malimitahan ang pagiging malikhain ng mga Pinoy gamit ang used o recycled fabric sa paraang nakatutulong din sila sa kalikasan.
Dahil usung-uso ang fast fashion, nakakaalarma ang pagkonsumo ng mga damit na gawa sa synthetic fiber na isang uri ng plastic na ayon sa datos ay bumubuo ng malaking bahagi ng textile waste sa mundo.
Mensahe ng Retashow na maging conscious ang lahat sa pagbili ng mga damit at gamit at gawing uso ang upcycling, and repurposing.
Ito ay kaugnay din sa mga programang Trash to Cashback – na isang incentivized recycling program, at Refill Hub initiative, na ipinatutupad sa lungsod ng Quezon.
Naging kabalikat din nito ang Kilo/s Kyusi: Kilo Store ng Bayan, Tulong para sa Kinabukasan, na naglalayong isulong ang sustainable consumption sa pamamagitan ng reuse at repurpose.
Pinangunahan ito ng mga empleyado ng lungsod na nag-donate ng kanilang mga pre-loved items tulad ng damit, bags, mga kagamitan sa bahay na ibinebenta kada kilo for a cause.
Sa loob lamang ng isang linggo ng pagbubukas, mahigit isang milyong piso agad ang nalikom mula sa mga nabiling pre-loved items, na ginagamit ngayon upang tulungan ang mga estudyanteng palakasin ang kanilang kaalaman at kahusayan.