Advertisers
Ni BETH GELENA
PARANG kailan lang, 15 years old na pala ang unica hija ni Vina Morales.
Nag-celebrate si Ceana ng 15th birthday last Thursday, April 25.
Isang summer birthday party ang binigay ni Vina sa anak na ginanap sa isang beach.
Sa kanyang Instagram post shared by Niceprintphoto (@niceprintphoto) ay makikita sa 15th birthday celebration ni Ceana ang mga kaibigan at kapwa rin singer na sina Pops Fernandez at Erik Santos.
Sinulatan ito ng singer ng sweet birthday message para sa anak. “Happiest bday anak @ceanaml… Know that mommy will always be there for you and I love you very much…
Si Ceana ay anak ni Vina sa ex-partner nitong businessman na si Cedric Lee.
Sa isang interview, ibinahagi ng singer/actress na on good terms silang dalawa at co-parenting kay Ceana.
May kuha ring larawan si Ceana kasama ang mga magulang na sina Vina at Cedric.
Sabi nga ni Vina, she has a a close relationship with her daughter at “thankful and grateful to God” sa maganda niyang pagpapalaki sa anak.
***
KAHIT na sila pa noon ni Julia Barretto at ilang beses na nagsama sa pelikula ay hindi pa sila nagkaroon ng onscreen kiss.
Pero kay Gerald Anderson na first pa lang nakasama ng aktres sa movie ay agad na pumayag ang aktres na magkaroon sila ng onscreen kiss kahit na magdyowa pa sila noon ng young actor.
Inamin ni Julia na si Gerald ang kanyang first onscreen kiss.
Ang tanong ni MJ Felipe ng ABS-CBN News bakit hindi sila nagkaroon ng onscreen kiss sa sunud sunod nilang pelikula that time.
Nang banggitin ni Joshua na minus Janella (Salvador).
Binanggit naman ni Julia na minus Gerald, biglang napa-uughhh ang actor (sabay hawak sa kanyang dibdib), nasabihan tuloy siya ni Julia ng “sira ulo ka talaga.”
Tuwang-tuwa ang JoshLia fans sa paghaharutan ng dalawa.
“They’re so cute. Lakas ng chemistry pa dn.”
“True. Nakakatuwa pa din.”
“kinikilig pa din ako sa kanila”
“Si Jg talaga ang nagdadala ng pairing nila. At least, Julia would most likely promote this right?”
“Walang pa ring nagwowork kung isa lang ang nagdadala. Kung dinadala lang ni Joshua ang loveteam na ito, then it could have been any other actress and it would work the same way.”
***
NONREV NAGREAK SA CAPTION NI ERIK
MAY mensahe ang mister ni Angeline Quinto na si Nonrev Daquina kay Erik Santos.
Si Erik ang pinakamalapit na kaibigan ni Angge.
Dumalo sa kasal ng dalawa ang singer kung saan kasama siya sa entourage ng kaibigan.
Hindi man si Erik ang isa sa naging best man sa kasal ay siya naman ang ring bearer nina Angge at Nonrev.
Sa Instagram ni Erik ay nagbahagi siya ng ilang pictures nina Angge at Nonrev habang kinakasal ang dalawa sa makasaysayang simbahan ng Quiapo.
Kasama sa larawan ang singer na may dalang singsing para iabot sa dalawang kinakasal.
Ang caption ni Erik, “Such a blessing to be your ring bearer. Congratulations and best wishes Non and Ge.”
Nagreak ang mister ni Angge sa caption ni Erik na naging bahagi ng significance ng partisipasyon ng singer sa kanilang special day ni Angge.
In a simple yet appreciative response, Nonrev left, “Thank you, Erik.”
***
TAGUMPAY ang naganap na RetaShow, kamakailan na ginanap sa Nova Mall SM last April 26.
Ang RetaShow ay isang catwalk fashion show na pakontes para sa mga aspiring designers na ang advocacy ay QC’s Catwalk to Sustainability gamit ang used o recycled textile.
Ang event ay pagtatapos ng Earth Day celebration na nagsimula pa noong April 22.
Layuning ipanalo nito ang kalikasan laban sa masamang epekto ng textile waste at plastic pollution.
Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, ang sustainable fashion ay hindi kailangang malimitahan ang pagiging malikhain ng mga Pinoy gamit ang used o recycled fabric sa paraang nakatutulong din sila sa kalikasan.
Lumikha ng mga gawa sa synthetic fiber na isang uri ng plastic na ayon sa datos ay bumubuo ng malaking bahagi ng textile waste sa mundo.
Ang mensahe ng Retashow ay gumawa ng mga damit at gawing uso ang upcycling, and repurposing.
Pinangunahan ng mga empleyado ng lungsod ng Kyusi ang pagrampa gamit ang mga used na kagamitan.
Dahil nag klik ang konsepto, opisyal na binuksan ang first-ever permanent store for Kilo/s Kyusi sa City Hall Compound.
May 20 finalists ang nakapasok sa Retashow.
Tatlo ang hurado sa naganap na Reta Show, sina Zarah Juan ng Vote to Tote program, Pamela Mejia, founder ng FIBERS, at tanyag na designer na si Erick Pineda, Founding Member ng Philippine Association of Theatre Designers and Technicians.
Nakuha ni Renegade Limpin ng Barangay Paltok, ang grand prize. Pumangalawa si Maricris Pabelico ng Barangay Sauyo at third prize winner ang pride ng Payatas na si John Jade Montecalvo.
Ang guest singer na si
Rob Deniel ay pinakilig ang mga kabataang nanonood.