Advertisers
KULONG ang 23-anyos na medical technologist nang pagtangkaan molestiyahin ang dalagang intern sa loob ng laboratory ng isang ospital sa Quezon City.
Inihahanda na ang kaso laban kay alyas “Chene”, 23 anyos, medical technology staff, ng Marikina City at kasalukuyang nakapiit sa Police Station 8 ng Quezon City Police District (QCPD).
Kinilala ang biktima na alyas “Marie”, 21, residente ng Taytay, Rizal.
Sa report ng Project 4, Police Station (PS 8) ng QCPD, 1:30 ng umaga nang mangyari ang insidente sa loob ng ospital sa Aurora Blvd., Brgy. Bagumbuhay, Project 4.
Batay sa imbestigasyon ni P/SMS Amalia S Dion ng Women’s and Children’s Protection Desk, habang nasa loob ng laboratoryo ang biktima ay hinimas umano ng suspek ang braso ng intern at tinangkang hawakan ang dibdib nito pero agad nakaiwas ang dalaga, lumabas ng laboratoryo at nagsumbong sa mga security guard ng ospital.
Inaresto ang suspek at dinala sa himpilan ng pulisya.