Advertisers
NASAWI ang tatlong indibidwal sa banggaan ng dalawang motorsiklo at Sports Utility Vehicle sa Barangay Minante 1, Cauayan city, Isabela nitong Linggo.
Kinilala ng mga pulis ang mga biktima na sina Aurelio Cacot, driver ng Honda Click 125 motorcycle; at kanyang angkas na si Richard Cacot at Eddie Martin, driver ng Honda TMX motorcycle, kapwa residente ng Barangay Marasat Pequeño, San Mateo, Isabela.
Batay sa imbestigasyon, bigla na lamang lumipat ang SUV na minamaneho ni Kim Cacayan, 24, ng Barangay Imelda Bliss Village, City of Ilagan, Isabela, sa kabilang lane at bumangga sa dalawang motorsiklo.
Nagtamo ang mga biktima ng malalang sugat, sanhi ng kaagad nilang kamatayan.
Nadakip naman ng mga awtoridad si Cacayan na mahaharap sa mga kasong multiple homicides at property damage.