Advertisers

Advertisers

Destab plot vs PBBM itinanggi ng kampo ni Du30

0 47

Advertisers

NANINDIGAN si dating chief presidential legal counsel Salvador Panelo na walang katotohanan ang mga pahayag ni dating Sen. Antonio Trillanes IV laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang statement, iginiit ni Panelo na walang basehan ang mga paratang ni Trillanes laban kay Duterte at tinawag pa niya itong “renegade” na ang layunin lamang ay makakuha ng publicity.

Sinabi ni Panelo na ang mga nagawang pagkakamali at kasalanan ni Trillanes sa bayan bilang isang sundalo at opisyal ng gobyerno ang makapagsasabi kung sino at ano talaga ang kanyang pagkatao.



Aniya, tila nagpapapansin na lang si Trillanes matapos mawalan ng silbi sa pulitika o naging politically irrelevant na ito.

Makaraan ang pahayag ni Trillanes na may mga patuloy na pagkilos o pagtatangka para mabalik sa kapangyarihan ang kampo ni Duterte, iginiit naman ni Panelo na walang katotohanan ito at walang basehan.



Isiniwalat ni Trillanes na sa sandaling mapatalsik si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., papalit daw sa puwesto ang anak ni Duterte na si Vice President Sara Duterte-Carpio. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">