Advertisers

Advertisers

‘DUTERTE KUMIKILOS PATALSIKIN SI PBBM’

0 51

Advertisers

IBINUNYAG ni dating Senador Antonio Trillanes IV na may ilang senior officials umano ang sangkot sa niluluto na destabilization plot laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi ito ni Trillanes sa isang pulong balitaan na ginanap sa bahagi ng Mandaluyong City nitong Martes.

Pag-amin ng dating senador, mayroon daw siyang insider na kasalukuyang nasa loob ng mga organisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na inamin niyang pinagmumulan umano ng kaniyang mga impormasyon hinggil sa nasabing isyu.



Ayon kay Trillanes, layunin daw ng mga destabilisasyon na ito laban kay Pangulong Marcos Jr. ay ang pagtakpan umano ang ginagawang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Kaugnay nito ay itinuro rin ng dating senador ang kampo ni Duterte na nasa likod umano ng ouster plot laban kay Marcos Jr. kung saan pinapakay umano nito na patalsikin ang kasalukuyang presidente ng Pilipinas.



Nais aniya ng kampo ni Duterte na si Vice President Sara Duterte ang ipalit na pangulo.

Dagdag pa ni Trillanes, bukod sa nilulutong kudeta, bahagi rin ng plano ang pagpapa-impeach kay Marcos, bagama’t ang House of Representatives ay masasabing kontrolado ng mga kaalyado ng administrasyon, sa pangunguna ni Speaker Martin Romualdez.



Paglilinaw pa ni Trillanes na tatlo hanggang apat na beses nang pinagtangkaan na mapatalsik sa Malacañang si Marcos.

Samantala, bukod dito ay sinabi rin ni Trillanes na batay sa kaniyang mga impormasyong nakalap ay nakatakda umanong ipatupad ng ICC o ng mga representante nito na ipatupad ang arrest warrant laban kay dating Pangulong Duterte pagsapit ng buwan ng Hunyo o Hulyo kaugnay pa rin sa kaniyang war on drugs campaign nito noong panahon ng kaniyang administrasyon.