Advertisers

Advertisers

DepEd nagpaalala ukol sa mga bawal sa pagtatapos ng pasukan

0 33

Advertisers

NAGPAALALA ang Department of Education (DepEd) sa mga guro, magulang, at mag-aaral laban sa mga bawal na aktibidad sa pagtatapos ng pasukan ngayong Mayo lalo na sa mga moving-up ceremonies.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, sinabi ni DepEd Assistant Secretary Francis Bringas na hindi kailangang maging magarbo ang pagdaraos ng mga gawain sa paaralan, bagkus ay mas mainam na gawing simpleng seremonya, kasama na ang kasuotan, ngunit dapat itong magkaroon ng kahalagahan.

Aniya, pinaiiral pa rin ang “no collection policy” habang ipinapayo rin na gawin ang mga aktibidad sa loob ng paaralan o mga indoor na espasyo hangga’t maaari.



Kung magaganap sa labas, bawal aniya itong gawin mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-3:30 ng hapon, bagkus dapat mula alas-3:30 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.

Ipinunto pa ni Bringas na ang ganitong hakbang ay gagawin upang maiwasan ang pagkakasakit ng mga guro, mag-aaral, at magulang dahil sa matinding tagtuyot. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">