Advertisers

Advertisers

LAKAS-CMD, PFP NAGSANIB NA PARA SA ’25 ELECTIONS

0 25

Advertisers

MATAGUMPAY na isinagawa ang pagsasanib-puwersa bilang alyansa ng dalawang partido politikal ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) bilang pinakamalakas na political party sa bansa sa pagitan ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) sa pangunguna ni Reynaldo Tamayo bilang pangulo nito na ginanap sa Manila Polo Club, Makati City nitong Miyerkules.

Sinabi ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, bilang pangulo ng Lakas-CMD, layunin ng hakbang na mapalakas pa ang mga programa ng binuong ‘Bagong Pilipinas’ sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. gayundin na ibayong masuportahan ang interes ng taumbayan bukod pa para sa socio-economic roadmap ng administrasyon.

“We aim to advocate and pursue measures that will sustain the country’s economic development, attract more foreign investments, create more job and income opportunities, build up food supply, and in general, improve the lives of our people,” saad ni Romualdez.



Layunin din ng Lakas-CMD-PFP alliance, aniya, na makiisa sa adhikain ni PBBM na pagkaisahin ang ibat-ibang sektor ng lipunan sa bansa.
“Unity of aspiration and purpose can propel us to economic advancement,” dagdag pa niya.

Naniniwala ang lider ng Kamara na ang “Alyansa Para Sa Bagong Pilipinas” sa pagitan ng Lakas-CMD at PFP ay nararapat lamang para sa pagbibigay ng serbisyo publiko na may elemento ng mataas na integridad, transparency, accountability, effectiveness, efficiency gayundin ang partisipasyon ng publiko sa gawain ng gobyerno.



Ang paglagda ng kasunduan bilang alyansa nina Speaker Romualdez at PFP president Reynaldo Tamayo Jr. ay personal na sinaksihan ni Pangulong Marcos, Jr.

Kabilang sa mga signatories sina House Senior Deputy Majority Leader at PFP vice chairman Ferdinand Alexander Marcos, PFP executive vice president Antonio Lagdameo Jr., Lakas-CMD chairman Sen. Ramon Revilla Jr. and Lakas-CMD executive vice president and House Majority Leader Manuel Jose Dalipe. (HENRY PADILLA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">