Advertisers

Advertisers

REGION 3 BAKIT SONA LIBRE NA SA SUGAL

0 85

Advertisers

Isang highly placed informant natin ang nagyabang sa atin na ang region 3 o ang tinaguriang Central Luzon ay hawak ng pamilya Pineda.

Mistulang kaharian nito hindi lamang ang probinsiya ng Pampanga na kanilang home- base kundi ang mga probinsiyang nakapaloob sa buong region 3.

Knowing the Pinedas and the clout they wield for so many years,masasabi nating moog na puwersa itong di matitinag.



At alam naman ng lahat ng mga Kapangpangan na mula sa SUGAL umusbong ang di mapapantayang yaman ng pamilyang ito.

Mula sa pagiging kutsero tungo sa pagiging jueteng/gambling Kingpin ng buong Pilipinas.



Yan po ang patriarch ng mga Pineda na si Tatay Bong, Rodolfo Pineda sa tunay na buhay alias DOCE (12).

Sa SUGAL na jueteng po umaasa ang mahigit sa kalahati ng populasyon ng probinsiya ng Pampanga para sa kanilang hanapbuhay.



Kubrador at iba pang trabaho sa industriya ng pagwe- jueteng at iba pang uri ng sugal.

Si Doce ang may blanket authority sa mga lugar ng region 3 sa paglalarga ng kahit anong uri ng sugal,ligal man o iligal.

SAkOP nito ang mga PERGALAN na nagkalat sa buong Pampanga,Nueva Ecija,Bataan,Zambales at Bulacan.

Walang sira ulong opisyal ng kapulisan ang puwedeng humuli sa mga sugalang ito na hawak ni Tatay Bong alias DOCE.

Talo pa ang Pagcor pag nasa umbrella ni Tatay Bong ang sugalan mo.

Sagot ka hanggang dulo.

Kaya nga sa Nueva Ecija,hindi sa nang- iintriga tayo,walang magawa si Gov.Oyie Umali kahit may ibang bangka itong gustong papasukin sa 1602.

Ganun din sa Probinsya ng Zambales na sakop ni Gov. Hermogenes Ebdane Jr.

Ayaw o di nila kayang bungguin si Tatay Bong ng harapan.

Pati ang mga pergalan,kailangan may basbas ni Tatay Bong o emisaryo nito.

Speaking of Tatay Bong,alam nyo ba na ito ang dahilan kung bakit napalayas sa Malacanang si former Executive Secretary Vic Rodriguez.

Nagkamaling takalan nitong si Rodriguez ang mga Pineda hehehe!

Presto,kahit pa nga naka- epoxy pa ang puwet ni former ES Vic Rodriguez sa kanyang puwesto ay napalayas din ito.

Hindi rin natin masisi pati ang PNP Regional Director ng Region 3 sa pagiging inutil dahil anytime na manghuli siya ng sugal sa kanyang hurisdiksyon ng walang clearance Kay Tatay Bong, kangkungan ang bagsak nya.

Kung pag- uusapan natin ang payola o intelihensiya mula sa SUGAL dyan sa Region 3 o Central Luzon,malaking bahagi nito ay dumederecho sa Malacanang.

Kung sino ang nag- aabono,mga bobo ba kayo para di nyo malaman?

Kung kaninong kamay napupunta ang grasya,eh di sa babaeng mukhang mangkukulam na bff ni Nanay Baby Pineda!

Kung ganito ang kalakaran,wag na tayong mangarap pa na matitigil pa ang mga iligal na sugal na ito dyan sa Region 3 partikular na sa Zambales, Pampanga at Nueva Ecija.

Matapang pa sa mga meyors at kapulisan ng bawat bayan sa mga probinsiyang iyan ang mga gambling at perya operators.

May pinagmamalaking padrino/protector.

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com