Advertisers
Sa pagdiriwang ng Araw ng mga Nars noong Lunes, ipinaabot ni Senator Christopher “Bong” Go ang pagpapahalaga sa mga Filipino nurse sa buong mundo sa kanilang walang sawang serbisyo at dedikasyon.
Ngayong araw, inimbitahan si Go upang maging tagapagsalita sa 8th Summer Conference ng Philippine Nurses Association (PNA) na may temang “Our Nurses, Our Future: The Economic Power of Care”.
Ang forum para sa mga propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan, tagapagturo, pinuno, at policy makers upang i-highlight ang mahalagang papel ng mga nars ay nagsilbing platform upang talakayin ang mas magandang pagkakataon para sa mga Pilipinong nars at sa sektor ng kalusugan sa pangkalahatan.
“On this significant occasion of Nurse Day, I extend my deepest gratitude and admiration to all Filipino nurses across the globe. Your dedication, compassion, and resilience are truly inspiring, especially in these challenging times,” ani Go.
“As frontline heroes, you represent the best of our nation, embodying selflessness and a commitment to care for others, no matter the circumstances,” dagdag niya.
Bilang tagapangulo ng Senate Committee on Health and Demography, inulit ni Go ang kanyang pangako na unahin ang kapakanan ng mga Pilipinong nars, sa pagsasabing, “As we celebrate your extraordinary contributions today, I reaffirm my unwavering support for your profession. I am committed to advocating for better working conditions, fair compensation, and continuous professional development for our nurses.”
Binigyang-diin ni Go, kilalang tagapagtaguyod ng mga karapatan ng mga manggagawa sa pangangalagang pangkalusugan, ang kanyang mga nagawang batas, kabilang ang pagiging may-akda at co-sponsor ng Republic Act No. 11712.
Ang nasabing batas ay mahalaga para sa pagbibigay ng mga benepisyo at allowance sa healthcare workers sa panahon ng krisis sa pampublikong kalusugan tulad ng pandemya ng COVID-19.
Bukod dito, si Senador Go ay aktibong nakikibahagi sa mga hakbang upang mapabuti ang kompensasyon ng mga manggagawa sa gobyerno.
Kasama rin sa kanyang patuloy na pagsisikap ang pagsusulong ng panibagong pagtaas ng suweldo sa pamamagitan ng Senate Bill No. 2504, o ang “Salary Standardization Law 6”.
Sa paghahangad niyang maiangat pa ang propesyon ng nursing, nanawagan si Senator Go sa mga pribadong ospital na taasan ang suweldo ng mga nars.
Ipinakilala rin niya ang panukalang Advanced Nursing Education sa pamamagitan ng SBN 191, na layong bigyan ang mga nars ng up-to-date na kaalaman at kasanayan para sa mas mabuting pangangalaga sa pasyente.