Advertisers

Advertisers

Trike drayber, pinasabog ang ulo

0 15

Advertisers

PATAY ang isang tricycle driver nang barilin sa ulo ng hindi kilalang salarin na sakay ng motorsiklo sa Malabon City, Miyerkoles ng gabi.

Dead-on-the-spot si Antonio Pulga, residente ng Panghulo, Obando, Bulacan.

Sa tinanggap na ulat ni Malabon Police Chief, Colonel Jay Baybayan, tinatahak ng biktima ang kahabaan ng Don Basilio Bautista Blvd, Brgy. Hulong Duhat 6:50 ng gabi pauwi sa kanyang tirahan nang harangin ng isang lalaking sakay ng motorsiklo at binaril sa ulo.



Tumakas ang salarin patungong Panghulo, Bulacan.

Nagsagawa ng dragnet operation ang mga tauhan ng Malabon Police pero nabigo silang madakip ang salarin.
Patuloy ang follow-up investigation ng pulisya sa krimen. (Beth Samson)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">