Advertisers
Denver Nuggets center Nikola Jokic tinanghal na Most Valuable Player sa ikatlong pagkakataon sa apat na season Miyerkules.
Ang 29-year-old Serbian star, na nagwagi ng award sa 2021 at 2022, nagtapos runner-up sa voting sa 2023. at inakay ang Nuggets sa kauna-unahang NBA title.
Ngayon season nag average ang Serbian ng 26.4 points, 12.4 rebounds at 9.0 assists sa regular season at tinapon ang Oklahoma City City Thunder star Shai Gilgeous-Alexander at Luka Doncic ng Dallas Mavericks sa final voting para sa award.
Siya ang naging second player,pagkatapos ni Oscar Robertson, na nag rekord ng 2,000 points,900 rebounds at 600 assists sa season.
Ang kanyang 25 triple-doubles at 68 double-doubles ay parehong second sa liga.
Sumali si Jokic sa elite teretorry na may 3 MVP crown.Kareem Abdul-Jabbar may anim na MVP pinakamarami sa lahat. Bill Russel at Michael Jordan may tig-5 at at Wilt Chamberlain at LeBron James apat.
Jokic sinamahan si Moses Malone, Larry Bird at Magic Johnson na three-time winners matapos kumita ng 79 first-place votes kumpara sa 15 ni Gilgeous-Alexander at apat kay Doncic.