Advertisers
Arestado sa ikinasang buy- bust operation ang dalawang sangkot sa iligal na droga nang masakote sa Caloocan city nitong Linggo ng hapon.
Kinilala ni Caloocan City Police Chief ang dalawang suspek na sina Alias “Boboy”, 31, (pusher) HVI, at residente ng 6111 Lower Tibagan, Gen T de Leon , Valenzuela City; at “Christian”, 25, ng 411C PNR Compound Caloocan City.
Nagkasa ng buy- bust operation ang Drug Enforcement Unit ng Caloocan City Police Station na nagresulta sa pagkaaresto sa dalawang suspek 4:44 ng hapon sa Riverdide Libis Baesa Barangay 160 Caloocan.
Nakumpiska sa dalawang suspek ang 107.2 grams ng shabu na may Standard Drug Price na P728,960.00.
Nahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article ll of R.A 9165 ( Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).(Beth Samson)