Advertisers

Advertisers

Opisyal ang tanggalin, ‘di agency ng buwagin

0 4,377

Advertisers

MALI na buwagin ang isang government agency na pinamumugaran ng mga tulisang empleyado at opisyal.

Dahil kung gagawin ito, aba’y malamang na walang matira sa mga ahensya ng pamahalaan partikular ang Bureau of Customs, Department of Public Works and Highways, at Department of Agriculture na pawang may malalang kanser ng korapsyon. Mismo!

Sa halip na buwagin ang mga ahensiyang ito, bakit hindi ang mga empleyado’t opisyal na responsable sa pangungurakot ang sipain?



Oo! Napakadali lang naman sibakin ang mga magnanakaw sa gobyerno eh. Karamihan kasi sa mga nagnanakaw dyan ay political appointees. Kaya nga malalakas ang loob mangulimbat ng mga ‘yan dahil dikit kay Secretary, kay Usec, kay Presidente o kay First Lady.

Kaya kung seryoso si Pangulong Bongbong na magkaroon ng malinis na administrasyon, makabawi sa masamang imahe ng kanyang amang diktador, sibakin niya lahat ng appointees na may maitim na backgrounds. Now na!



Natalakay natin ito dahil sa panukalang paglusaw sa National Food Authority (NFA) sapagkat pinamumugararan na raw ito ng mga tulisan.

Ang NFA ay nasa ilalim ng DA na responsable sa pagsiguro sa seguridad ng pagkain ng bansa, at katatagan ng supply at presyo ng bigas.



Lahat ng namumuno sa ahensiya ng pamahalaan ay co-termino ng Presidente.

Kaya kung may katiwalian man sa isang tanggapan, walang ibang dapat sipain at kasuhan dyan kundi ang itinalagang kalihim at mga kasabwat nito. Mismo!

Ang ahensiya ng gobyerno ay binuo ng maayos, ang itinalaga n’yo lang na mga opisyal ang tulisan, Mr. President.

Again, Mr. President, sipain n’yo agad at kasuhan ang mga itinalaga ninyong gumagawa lang ng kuwarta sa kanilang departamento. Now na!!!

***

MALAMANG na mauna sa kulungan ng International Criminal Court (ICC) sina dating PNP Chief Oscar Albayalde, dating PNP Chief ngayon Senador Ronald “Bato” Dela Rosa at ex-President Rody Duterte.

Ito ang ibinunyag ng isang abogada na kabilang sa pagdiin sa mga taong nasa likod ng pagpatupad ng war on drugs ng nakaraang Duterte administration.

Kaya naman si Bato ay abot hanggang langit ang galit sa mga mistah niya na nagdiin sa kanya sa kaso, kabilang rito ang upper class niya sa PMA at sa lower class na si dating Senador Antonio Trillanes.

Si Trillanes ang nagbunyag na posible sa Hunyo o Hulyo lalabas ang ICC warrants laban kina Duterte, Bato at Albayalde.

Sinabi rin ni Trillanes na isang dating mataas na opisyal sa AFP ang nagbulong sa kanya na tinatrabaho nina Bato patalsikin sa puwesto si Marcos.

Hinamon naman ng PNP si Trillanes na maglabas ng ebidensiya kung totoong tinatrabaho nina Sen. Bato at Duterte para ito mapatalsik sa puwesto.

‘Pag napatalsik kasi si Marcos ay awtomatikong uupong presidente si Vice Presidente Sara Duterte-Carpio.

Kapag nangyaring maging instant president si Sara, hindi na uli magagalaw sina Duterte, Bato at iba pang akusado sa crimes against humanity sa ICC, pati ang puganteng si Apollo Quiboloy. See???