Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
TALK of the town ang pagsasama nina Kathryn Bernardo at Belle Mariano para sa commercial ng isang cosmetic product.
Nai-feature rin ito sa isang kilalang glossy magazine.
Sey ng kafaneyan, isang malaking bagay daw na mapagsama sa isang collaboration ang dalawa.
Pansin pa nila, ang ganda lang daw at ang gaang tingnan ng dalawang reyna sa isang larawan.
Bukod sa fresh, bagay na bagay daw ang dalawa dahil pareho silang nag-eexude ng class at sophistication.
May nagkomento pa na si Belle na raw ang heir apparent sa trono ni Kath o maituturing na junior version ng aktres.
Umalma naman ang mga maka-Francine Diaz na nagsabing waley sa kalingkingan si Belle kung ikukumpara sa kanilang idolo.
Ito ang mga kanilang mga reaksyon.
“parehas na maganda and may class”
“Queens!! Millennial and Gen Z Version.”
“Ganda parehas! Ang ganda ni kath naalala ko pa nung teens pa siya, ngayon you can see sa mukha nya na she has matured. 💗”
“Siya na ang next in line kay Kathryn.”
“Queens!! Millennial and Gen Z Version.”
“2 Queens 1 Pic”
“May TikTok din sila. So si Belle na ang grino-groom na heir apparent kay Kath. Naku, baka hindi magustuhan ng FD fans.”
“charming belle and pretty kath 💖 deserve nila both”
“Excuse me, si Francine ang junior version ni Kath. Pati nga iyong career path nila pareho.”
“Love ko si Belle. Very down to earth at walang attitude.”
“Ang ganda kaya ng pagkagawa ng ilong ni Belle.”
“Si Francine, natural beauty at di retokada.”