Advertisers
NASAWI ang isang barangay chairman sa aksidente sa motorsiklo sa national highway sa Barangay Labut Sur, Santa, Ilocos Sur, Sabado ng umaga, Mayo 18.
Kinilala ang biktima na si Jerome Jesus de Peralta Bueno IV, 40 anyos, tserman ng Barangay Rizal, Santa.
Ayon sa surveillance footage, aksidenteng bumangga ang motorsiklo ng biktima sa southbound Mitsubishi Montero Sports Utility Vehicle na minamaneho ng isang pulis na kinilalang si Executive Master Sergeant (PEMS) Adelio dela Guardia, 49, mula sa Barangay Casantaan, Urdaneta City, Pangasinan.
Dead on the spot si Bueno dahil sa serious injuries.
Sa isang Facebook post, sinabi ng pamilya ng biktima na hindi sila magsasampa ng anumang kaso laban kay Dela Guardia dahil aksidente ang nangyari.