Advertisers
NAHULI ang dalawang indibidwal sa pagbebenta ng 8-araw na sanggol sa online sa Dasmariñas, Cavite.
Inaresto ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Philippine National Police (PNP) Women and Children Protection Center sa entrapment operation sa isang simbahan sa Cavite ang ina ng sanggol at broker sa pagbebenta ng sanggol sa halagang P90,000.
“Inaresto ang mga suspek at ikinulong sa Camp Crame, at inquested na,” ani Colonel Renato Mercado ng PNP Women and Children Protection Center.
Nagpahayag ng pagkaalarma si DSWD Secretary Rex Gatchalian dahil nasubaybayan nila ang mga hindi awtorisadong pag-aampon sa pamamagitan ng Facebook marketplace, kungsaan ipino-post ng mga magulang ang kanilang mga sanggol online para sa pagpapa-ampon.
Sinabi ni Gatchalian na may mga magulang din na naghahanap ng anak na aampon sa pamamagitan ng social media.
Sinabi pa ni Gatchalian na isang krimen ang pag-aampon sa labas ng guidelines ng National Authority for Child Care.
Sa ngayon, nasa 20 hanggang 40 social media pages na ang kanilang na-monitor kungsaan ipinagbibili ang mga sanggol.
Sinabi ni DSWD Undersecretary Janella Estrada na ginawa nilang mas madali at hindi magastos ang legal adoption.
Sinabi niya na pinaikli ng gobyerno ang proseso ng legal na pag-aampon sa 6 hanggang 9 buwan na may mas mabilis na proseso ng pagtutugma at streamlined na mga kinakailangan.