Advertisers
NASAWI ang isang Grade 5 student at 3 pang kaklase nito ang sugatan nang mahulog sa septic tanks sa loob ng compound ng kanilang eskwelahan sa Alfonso, Cavite nitong Lunes.
Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang biktima na kinilala sa alias “Crissel”, 12 anyos, Grade 5 student ng Sinaliw Malaki Elementary School, Barangay Sinaliw, Malaki sa Alfonso. Nilapatan naman ng lunas ang 3 pang estudyante sa tinamong mga sugat sa katawan.
Sa report, 12:40 ng tanghali nang maganap ang aksidente sa compound ng naturang eskuelahan.
Naka-upo sa concrete bench na nasa ibabaw ng septic tank ang apat na magkaklase habang kumakain ng ng kanilang tanghalian nang bumigay ang semento sa ibabaw ng septic tank at nahulog sa hukay na tinatayang 7 feet ang lalim ang mga naka-upong estudyante.
Agad na sumaklolo ang tauhan ng Alfonso Rescue at isinugod ang mga biktima sa pagamautan nguni’t idineklarang dead on arrival si Criszel.
Nabatid na tuyo na ang nasabing septic tank at hindi na ito ginagamit ng eskwelahan.(Mark Obleada)