Advertisers

Advertisers

Joshua di kering makipagtitigan kay Anne sa tambalan sa K-drama remake 

0 13

Advertisers

Ni BETH GELENA

AYON kay Anne Curtis, nerbyos ang umiral sa kanya nang malaman na makakapareha niya sa It’s Okay To Not Be Okay si Joshua Garcia.

Pag-amin naman ng aktor, challenge sa kanya na makatrabaho ang It’s Showtime host.



Pero confident siyang magkakasundo sila ni Anne.

Ang role ni Joshua ay si Patrick “Patpat” Gonzales sa remake K-drama, ang counterpart ni Kim Soo-hyun’s character Moon Kang-tae.



Sey ng actor sa isang panayam, he would feel challenged working closely with Anne.

Pag-amin pa niya na nahihiya siyang tingnan nang diretso ang Aussie-Pinay TV host/actress.



“I think macha-challenge ako with Anne, [‘yung titigan] pa nga lang hindi ko magawa. [Pero] feeling ko sa umpisa lang.”

“Kapag dumaan na ang ilang araw, mag-workshop na kami, and of course, makakasama ko na siya everyday, feeling ko masasanay rin ako,” pakli pa niya.

Ayon naman kay Anne, fan siya ng K-drama series, katunayan nga raw hinangad niya na maging  female lead role if given a chance na siya namang nagkatotoo.

Ang isa pang actor na makakatrabaho ni Anne ay si Carlo Aquino.

***

MARVIN AGUSTIN PERSONAL NA KUMAIN NG PARES OVERLOAD NI DIWATA

OUT of curiosity ay pinuntahan din ng actor/ restaurateur na si Marvin Agustin ang famous pares overload at siken joy ni Diwata na si Deo Jarito Balbuena sa totoong buhay.

By word of mouth ay naging viral ang Diwata Pares Overload na nasa GSIS building, Pasay City.

Very affordable at satisfied ang mga customer ni Diwata kaya binabalik-balikan siya ng mga customer.

Eh, san ka nga naman makakakuha ng murang pagkain sa halagang Php100 kung may pair itong  unlimited soup, unlimited rice at may kasama pang panulak na soft drinks.

Sa YouTube channel ng Diwata Pares Overload official ay ibinahagi niya ang pagbisita ng actor/ restaurateur.

“Naiinggit na ho ba kayo sa akin?” sey nito sa mga nanood na naroroon.

“Kaya naman pala pinipilahan,” nang matikman niya ang famous pares ni Diwata.

Tinikman din niya ang  siken joy.

Aniya, “Mura na, masarap pa.”

Pinakita rin ni Diwata kay Marvin ang kanyang  upgraded cooking equipment lalo na’t nag-eexpand na ang kanyang menu.

Si Marvin  nagmamay-ari ng mga sikat na restaurant sa Metro Manila.

***

BARBIE AT JAK PITONG TAON NANG MATAMIS ANG PAGMAMAHALAN

NASA 7th year na ang relasyon nina Barbie Forteza at Jak Roberto.

Sa Instagram story ng GMA Primetime Princess ay may post siya ng heartfelt message sa boyfriend para sa kanilang 7th anniversary.

Isang mahabang mensahe na nilakipan ng aktres ng kanilang photo mula sa kanilang ramen date.

“Happy 7th anniversary, Mahal! @jakroberto.” “I can’t believe it’s already been that long cause you still make me laugh the same way as when we went out on our first ramen date. You never fail to treat me the way you promised my family you would.”

“Lastly, you love and care for my family more than you should. You have raised the bar, my love. I’m so grateful for you.”

“Mahal na mahal kita,” hindi niya nakalimutang sabihin.

Ang sweet naman ng reply ni Jak sa girlfriend.

“Happy 7 years mahal ko! I love you so much,” na ikinakilig ni Barbie.