Advertisers
NASABAT ang shabu na tumitimbang ng 4.5 kilo at nagkakahalaga ng halos P24 milyon sa magkahiwalay na anti-drug operations sa Metro Cebu.
Kinilala ang isang alyas “Mitong”, 48 anyos, ng Barangay Calamba na naaresto noong Linggo sa kanyang bahay nang makuhanan ng 1.5 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P10.3 milyon.
“Bodegero” (warehouse caretaker) si Flores ng isang sindikato ng droga na kayang magbenta ng hindi bababa sa tatlong kilo kada linggo.
Noong Linggo din, isang mag-asawa ang nakuhanan ng P13.6 milyong halaga ng shabu sa dalawang anti-drug sting sa Mandaue at Lapu-Lapu city.
Unang inaresto ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency-Central Visayas, kasama ang iba pang law enforcement units, ang 28-anyos na si Fatima ng Barangay Mambaling dito.
Nakuhanan si Veraces ng kabuuang P10.2 milyon na halaga ng ilegal na substance na tumitimbang ng 2.5 kilo sa North Reclamation Area sa Mandaue.
Matapos arestuhin si Veraces, nahuli ng mga pulis ang kanyang live-in partner na si William, 32, sa Sitio Soong 2, Barangay Mactan, Lapu-Lapu City.
Nakuha kay Lopez ang kalahating kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 milyon at isang multicab.