Advertisers

Advertisers

Lagi nakikitang magkasama…Sarah pwede na kasuhan sina Richard at Barbie

0 14

Advertisers

Ni FAVATINNI SAN

MATINDI ang sagutan ng dating magbiyenan na sina Annabelle Rama at Sarah Lahbati. Sa mga post ni Bisaya (palayaw ni Annabelle), hindi man diretsang pangalanan si Sarah na tinutukoy niyang Chucky doll, mas feel niya raw ang Barbie Doll (Barbie Imperial). Siya naman ay si Annabelle Doll.

Palaban si Sarah, di siya magpapatalo kay Bisaya. Tanging dalawang anak na lalaki ang nakagitna at nahihiram naman ng nanay ni Richard Gutierez.



Grabe ang galit ni Bisaya kay Sarah as in ang anak niyang si Richard ay walang pagkukulang. Lantaran ang relasyon nila ni Barbie pero iwas na magkasama o makuhanan ng litrato.

E, nakaramdaman marahil si Richard. Anyway, makita silang magkasama sa isang litrato e puwede na mag file ng kaso si Sarah na pakikiapid.



Mukhang wala nang reconcilation e, ayaw talaga ni Bisaya kay Sarah. Susme, anong klaseng asawa ‘yan si Richard, he is just showing that he is really mama’s boy.

Ikaw naman Barbie, kampante ka ba, mauuwi ba yan sa pag-aasawahan. Okey lang ba sa iyo, na dyowa ka lang pero sa lalaking di pa annulled ang kasal.



Kung sabagay, kung saan kayo liligaya kesehodang walang basbas na kasal…kung tuluy tuloy ang inyong pagsasama as in mauwi sa live-in situation.

Sa mga netizens naman, nandyan lang sila…naghihintay kung ano ang kaganapan sa pagmamahalan nina Barbie at Richard.

Kalokah ang syobis talaga.

***

DALAWANG AKTOR, NAGKITA AT NAGKAYAKAPAN

SA isang showbiz event, muling nagkita ang dalawang aktor. Malalim ang kanilang pagkakaibigan, kumpare at sobrang mahal siya ng sikat na aktor. Kung pwede balikan ang masasayang nakaraan e, marami na kasing naganap.

Basta, isang tawag lang sa cellphone, ayos na ang araw ni aktring (aktor na badidang, ha ha). Iba na ang estado ni aktor B.

Naku, kahit buking ang relasyon nila e, denay to death pa rin si aktor A. Sige, hayaan natin sila, duon sila masaya kaya go go go.