Advertisers
NASAWI ang dalawa katao nang bumangga sa isang SUV ang motorsiklo sa Rizal Avenue sa bahagi ng Fugoao St., Sta. Cruz, Maynila, Linggo ng umaga.
Kinilala ang mga biktima na sina Hilario Madriaga, backride; at drayber na si Silvestre Leal, taga Cabulanglangan Tagudin, Ilocos Sur.
Nangyari ang insidente 2:48 ng madaling araw habang binabaybay ng mga biktima ang westbound ng Fugoso St. at pagsapit sa kanto ng Rizal Avenue ay bumangga ito sa SUV na Toyota Innova.
Minamaneho ni Rey Ramos De Parcarey Jr, ng Quiapo, Maynila ang Toyota Innova.
Dahil sa lakas ng impact, tumilapon ang mga biktima sa kalsada na nagresulta ng kanilang agarang pagkamatay. (Jocelyn Domenden)