Advertisers
TIMBOG ang isang kahera at limang “therapist” ang na-rescue nang salakayin ang isang spa na nagsasagawa ng sexual activities sa Pasay City.
Nakakulong ngayon sa Pasay City Police at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10364 (Expanded Anti-Trafficking in Person Act of 2012) si Clarissa Egloso, 29 anyos, nakatira sa Saint Francis Street, San Agustin Village, Barangay Moonwalk, Paranaque City.
Na-rescue naman sina Anna Marrie Vesuela Manzano, 28; Christine Dela Pena, 22; Aldin Sineneng, 31; Mary Ann Coyoca, 21; at Jonathan Escalona, 29, pawang therapist.
Sa report, 10:30 ng gabi nang salakayin ng mga tauhan ng Pasay City Police ang Relaxense Sircon Wellness Spa sa F.B. Harrison Street, Barangay 26 ng nabanggit na lungsod.
Dinala naman ang mga na-rescue sa Pasay City General Hospital para sa ilang pagsusuri sa kanila. (Gaynor Bonilla)