Advertisers
NASAWI ang dalawang lalaking nagkukuwentuhan habang isa ang nasugatan nang pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang salarin sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM), Bulacan.
Kinilala ang mga nasawi na sina Benecio Castulo, 63 anyos; at Joel Nicolas, 46; habang sugatan ang isang Charry Fe Castulo, 57, mga residente ng Purok 6, Brgy. Isidro, SJDM.
Sa report ng SJDM Police kay Bulacan Police director Colonel Relly Arnedo, naganap ang insidente 5:50 ng umaga ng Hunyo 8.
Sa inisyal na imbestigasyon, nag-uusap ang mga biktima sa harap ng tindahan nang bumulaga ang dalawang lalaking nakasuot ng itim na jacket at walang kaabog-abog na namaril.
Kaagad nasawi sina Benecio at Joel, habang agad isinugod ang sugatang si Charry sa ospital.
Sumibat ang mga salarin patungo sa direksyon ng Brgy. Paradise ng naturang lungsod.
Patuloy ang follow up operation ng pulisya sa krimen.(Thony Arcenal)