Advertisers
Matindi pala ang MODUS OPERANDI ng MANILA TRAFFIC AND PARKING BUREAU (MTPB) na ikinapagtataka ng mga motoristang napadadayo sa lugar ng CAPITAL OF THE PHILIPPINES ay kaliwa’t kanang panghuhuli ang isinasagawa ng MTPB ENFORCERS subalit hindi naman tinitikitan ang kanilang huli.., sa halip ay “LAGAY” o “KOTONG” ang sistema dahil may QUOTA pala ang bawat ENFORCERS.., hehehe baka maging CAPITAL OF CORRUPTION ang MANILA CITY GOVERNMENT niyan?
Ang siste ay hindi raw pinasusuwelduhan ang MTPB ENFORCER kahit kabilang sila sa JOB ORDER EMPLOYEES ay kinakailangang rumaket daw ang mga ito dahil ang QUOTA nila bawat araw ay P2,500 ang kanilang ireremit sa opisina at ang sobra sa P2,500 ay para sa pansarili na ng ENFORCER.., naku, tumataginting na P75K per month sa bawat ENFORCER ang isusumite ng mga ito.., e kanino este sino kaya ang NAMUMUNINI sa resulta ng QUOTA?
Mga ka-ARYA.., kung halimbawa ay may 200 ENFORCERS ang MTPB e tumataginting na P15 milyon kada-buwan ang nakikikil sa mga motorista.., ang hepe kaya ng MTPB ang solong nambubulsa ng P15 milyong KIKIL? Kung hindi man ay sino-sino ang NAMUMUNINI sa P15 milyon.., kasama kaya si MAYORA sa nakikihati na kung walang alam si MAYORA at si HEPE e pinaglalaruan na sila ng mga antigong opisyal ng kanilang pamahalaang lungsod.
Bukod diyan, dahil ang ibinulong ng ARYA BEES e hindi raw pinasusuweldo ang MTPB ENFORCERS…, e sino ang kumukuha ng mga suweldo, kasi nga naman ang mga ENFORCER kapag may sumobra sa P2,500 raket nila kada-araw e iyon na ang mapupunta sa kanilang mga bulsa para may pambili silang pagkain ng kanilang pamilya mula sa MODUS OPERANDING KIKIL.
Ipaghalimbawa na lang natin na ang lahat nilang ENFORCERS ay sumusuweldo lamang ng P6K kada-buwan at 200 ang lahat ng ENFORCERS.., e maliwanag na may P1,200,000.00 na dapat ipasuweldo; pero sino kaya ang komokopo ng pampasuweldo? Ang mga ENFORCER e depende sa kanilang ranggo na ayon sa ARYA BEES ay sumusuweldo ang pinakamataas na JO sa halagang P12,000 kada-buwan.., nakupo teribleng pasuweldo yan e kahit iisa lang ang anak ng MAG-ASAWA e kapos yan para sa pang-araw-araw na gastusin.
Kaya pala, kahit tadtad ng CCTV CAMERA ang mga lansangan sa MANILA CITY e walang takot ang MTPB ENFORCERS na mangikil.., kasi nakasalalay pala sa kanilang pangingikil ang perang maiuuwi nila para may makain ang kanilang pamilya.., dahil kung wala silang maiuwi sa pamilya e magugutom ang asawa’t mga anak.
Eto pa ang matinding rebelasyon.., ang mga establisimiyento na ang ibabayad nilang tseke e ipangalan daw sa hepe ng MTPB at hindi sa TREASURER’s OFFICE.., naku e alam kaya ito ni MTPB CHIEF ZENAIDA VIAJE o baka may tumatarantadong mga antigo na sa serbisyo dahil si CHIEF VIAJE e ang alam ko ay ngayong bagong administrasyon lamang siya napuwesto SA MTPB.
Bukod diyan ay hindi lamang pala mga motorista ang kinikikilan kundi maging mga VENDOR ay kinopo na rin ng MTPB ang koleksiyon., inagawan na ang MANILA HAWKERS sa koleksiyon?
Teka.., ang pagkakaalam ko na hepe ng MANILA HAWKERS ay si RET. COL. CARLOS BALTAZAR na isang beterano sa galaw ng mga pulis e hindi ito papayag sa gayong sistema na ang biyaya ng kanilang trabaho ay kopoin ng ibang departamento.., hehehe maliban na lamang kung may secret deal ang MTPB at HAWKERS…, o baka mas malakas si MTPB kay MAYOR LACUNA?
Paging MANILA CITY MAYOR HONEY LACUNA.., baka hindi pa po ninyo batid ang sistema sa MTPB na hindi pala pinasusuweldo ang mga ito kundi kinakailangang mangikil sila sa mga motorista at vendors para magkapera.., pakibusisi po ang lahat ng inyong enforcer na hindi kaharap ang kanilang mga opisyal at baka sakali ay may maglakas ng loob na isiwalat sa inyo ang REYALIDAD ng kanilang pagta-trabaho.
Ang ARYA ay walang hangad na ipahiya ang sinumang mga opisyal.., pero kung may mga nang-aabuso sa kanilang panunungkulan ay dapat lamang po na itama ang lahat ng sistema para sa kapakanan ng paggo-gobyerno!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.