Advertisers
Ni OGGIE MEDINA
SUMAMA ang pakiramdam ko nang mabasa ako ng tubig na galing sa malaking water toy gun na hawak ni Gerald Magallanes, isang miyembro ng Philstagers, habang siya’y nagpe-perform ng Bang! Bang! Bang! Basang-basa ako sa suot kong Pierre Cardin red-blue-white shirt na aking paborito.
Inaapoy ako ng lagnat pagkauwi ko sa bahay at kaagad uminom ng gamot.
Kahit ganoon ang nangyari ay natuwa naman ako sa naging takbo ng programa sa PSF Blackbox Theatre sa Sampaloc, Manila noong Araw ng Kalayaan.
Congrats kay Awin Valencia na siyang nanalo bilang “Miss” PSF nang gabing iyon.
***
SA lahat ng nakahalubilo ko sa Philstagers, o Philippine Stagers Foundation, na nagdiwang ng 24th Foundation Anniversary noong Hunyo 14 sa Luxent Hotel sa Quezon City, kay Chin Ortega ako humanga.
Isa si Chin sa mga naunang miyembro ng Philstagers. Siya ay taga Iloilo.
Siya ang nagwaging Stager of the Year para sa Comedy.
***
NAGSUSULAT din ako sa isang travel and tourism magazine, ang Balikbayan Magazine, na linya ko ang mga hotel, restoran, bar at mga magandang tanawin sa Pilipinas. Kaya sunud-sunod ang mga offer sa akin na subukan ang mga ito.
Dapat nasa Palawan at El Nido ako ng isang linggo ngunit hindi ako sumama kay Rafael Gozum, ang photographer na nirekomenda ko
sa aming Filipino-American publisher, si Roger Oriel.
***
MADALAS ko nakikita si veteran actor Soliman Cruz sa mga art exhibit, tulad sa 35th anniversary ng West Gallery sa West Avenue, Quezon City noong Sabado. Ang daming dumalo at walang tigil din ang daloy ng mga pagkain at inumin.