Advertisers
Ni JIMI C. ESCALA
BIGLAAN kaming isinama ng kaibigang kapwa Vilmanian na si Jojo Lim para manood ng stage play na “Grace” na ginanap sa Power Mac Spotlight Theatre sa Ayala Malls Makati Circuit.
In fairness, super ganda ang dula, hindi nakakaantok at walang itulak kabigin sa mga nagsipagganap.
Ilan sa mga nagsiganap sina Shamaine Buencamino, Stela Cañete at marami pang iba under the direction of Dexter Santos.
Base sa Lipa apparition at istorya ng mga madre na naging saksi sa petals of roses ng our Lady of Mediatrix.
Maraming celebrities ang kasabay naming nanood sa supposed to be last day pero na extend due to public demand.
Ilan sa namataan namin ay ang Star for all Seasons Vilma Santos- Recto, Ricky Davao, Direk Jeturian, Atty. Joji Alonso, Malou Chua Fagar, Mentorque producer Sir Bryan Dy, Noel Ferrer, Allan Diones, Anna Pingol at marami pang iba.
Nang hingan namin ng mensahe si Ate Vi tungkol sa napanood niya ay sobrang nagandahan daw siya sa dula at gusto ang lahat ng mga nagsipagganap.
May ugong na isa ito sa mga gagawin niyang movie for the MMFF this December.
Ayon pa kay Ate Vi ay kilalang kilala niya si Sis. Tereseng, ang sinasabing pinakitaan ng Mahal na Birhen.
Personal at naging kaibigan ni Ate Vi ang nabanggit na madre and in fact daw sa tuwing may retreat o Misa na dadaluhan ni Ate Vi ay nagkakatsikahan sila ng madre.
Coincidence din naman na ang doktor ng madre hanggang sa binawian ng buhay ay si Dr. Magsino na naging doktor din ng namayapang ina ng Star for all Seasons.
Believer at deboto ng Our Lady of Mediatrix si Ate Vi kaya naniniwala siya sa naturang apparition na inilahad sa stage play.
Kung may particular na role na gagampanan si Ate Vi sakaling isapelikula ang Grace” ay no comment muna ang premyadong aktres, huh!
***
SA mismong kaarawan niya last Saturday, June 15, ay isinabay ng newbie pero sobrang husay umawit na si Debbie Lopez ang launching ng kanyang single, “Ang Higugmaon Ka,” isang Visayan song na handog siyempre ni Debbie sa mga kababayan niyang Cebuano.
Laking Talisay, Cebu si Debbie at lumuwas sa Maynila para ipagpatuloy ang ambisyon niyang mapabilang sa mga iniidolo niyang singers.
In fairness, magaling umawit at mag- perform si Debbie na sa totoo lang ay maraming lulumain sa mga nag uumpisang singers lalo na yung mga nanalo sa mga singing contest, huh! Hindi rin itinatago ni Debbie ang paghanga niya sa aktor na si JM de Guzman. Kaya nga raw pinaghahandaan niya ang malapit na nilang pagkikita ng magaling na aktor, huh!
Naikuwento pa ni Debbie na last year daw ay pinadalhan siya ng dalawang video greetings ni JM. Ang isa ay noong Valentine’s Day kung saan ay sinabihan siya ng aktor ng ‘I love you.’ Ang isa naman ay noong kaarawan niya mismo, huh!
“May isang follower ako na friend niya ‘yung ano ni JM de Guzman. So, Valentine’s Day, kinikilig ako, nagsabi ng ‘I love you,’” sobrang kilig pang kuwento ni Debbie.
Binanggit pa ni Debbie na gusto rin daw ni JM na ma-meet siya in person, huh!
Kasabay noon ay naikuwento ni Debbie na nagkaalaman na raw sila ng contact number ni JM at nagkaka-text na sila ngayon.
Incidentally, bukod sa pagiging singer ay cosplayer at disc jockey rin si Debbie.
Kasalukuyang naka-base sa Baguio City ang Cebuana singer kung saan siya kilalang DJ sa ilang online radio stations, huh!
Napasok daw siya sa mundo ng pag-awit during the pandemic. Nag-audition daw siya sa Sessions Live Music Stream at mapalad naman siyang nakapasa.
“Kasama ko rin doon si Jeffrey Hidalgo and some the international artists, and andu’n din ‘yung Boyce Avenue and K-pop.
Sa ngayon ay na-release na ang debut single ni Debbie na isang Cebuano song titled “Ang Higugmaon Ka” composed by Kuya Bryan. Mapapanood na ito sa YouTube channel ng nasabing composer.
“The song is about LDR (long distance relationship) and naka-relate ako, na-in-love ako sa isang guy, tapos ‘yung guy, may mahal palang iba,” sabi ni Debbie.
She revealed na isang seaman ang dati niyang minahal pero nadiskubre raw niyang may iba pa itong girlfriend.
Ngayon ay single siya at hindi na muna raw niya iniisip ang lovelife dahil naka-focus muna siya sa kanyang career.